NAGISING ako na tila may yumuyugyog sa balikat ko. Pilit kong kinapa si Shallow sa tabi ko, ngunit wala na ito. Nagulat pa ako ng bahagya noong imulat ko ang aking mga mata at mabungaran ko ang seryosong mukha ni Skye at nakapameywang ito sa aking harapan. "Hmmm.. Ang aga-aga Skye!" "Kuya ano ba? Nasaan si ate Shallow, at anong ibig sabihin nito? Bakit nandito ka sa kwarto niya?" "Skye pwede ba, huwag mo akong sermonan? Ang ganda ganda ng gising ko, at saka ang ganda ng panaginip ko!" nakasimangot naman ito sa akin, pilit niya akong pinapatayo habang hila-hila nito ang isang kamay ko. "Oo na, babangon na ako!" nag-aasik ko pang sabi. Tatayo na sana ako ng mapansin kong wala akong saplot sa katawan. Sinilip ko pa ang ilalim ng comforter at lalong nanlaki ang aking mga mata dahil wala d

