Red's POV "Para saan kaya ang meeting na ito, Ma'am?" tanong ni Dana sa tabi ko habang may hawak na tablet. "We'll find out later," sagot ko nang prenteng naka-upo sa tabi niya. Kanina lang ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Dana. Sabi niya, may meeting daw kasama ang presidente ng organization ng malalaking clothing lines dito sa Pilipinas. Well, isang beses lang naman nangyayari ito sa loob ng limang taon, kaya hindi na ako nagulat. May ideya na rin ako kung tungkol saan ito. Nasa loob kami ng isang malawak na hall. Makalipas ang ilang sandali, pumasok na ang speaker para sa meeting. May mga kasama itong ilan pang may-ari ng clothing lines sa bansa. Habang pinagmamasdan ko sila, bigla akong napakunot-noo nang mapansin kong may isang pamilyar na mukha sa kanilang grupo. Umayos ako

