Red's POV "Ate, may naghahanap sa'yo," sabi ni Peach nang pumasok ito sa kwarto ko. "Kung si Perseus na naman iyan, sabihin mong ayaw ko siyang makita," sagot ko sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Tatlong araw na akong namalagi rito sa bahay. Tatlong araw na hindi ko siya kinakausap, hindi ko siya pinapansin, at hindi ko siya hinahayaang makalapit sa akin. Ayaw kong umuwi, at wala siyang karapatang pilitin ako. Ano siya? Hari? Akala niya ba, porke't kasal kami, may lisensya siyang kontrolin lahat ng kilos ko? Ang kapal ng mukha niya! Pagkatapos niya akong sigaw-sigawan, ngayon susunduin niya ako rito at pipilitin akong umuwi? Neknek niya. Kung may dapat magalit dito, ako iyon! Sa loob ng tatlong araw na iyon, lagi siyang pumupunta rito. Hindi ko alam kung sinusubukan lang niya a

