Third Person's POV Mahimbing na natutulog si Red, nakasandal sa balikat ni Perseus. Hindi siya gumalaw, ni hindi man lang nag-attempt na ayusin ang pwesto niya—baka kasi magising ito. Imbis na mabuwisit, naaaliw lang siyang pagmasdan ang tahimik na mukha nito. Her lips were slightly parted, and he could hear the soft sound of her snoring. Siguro napagod siya kanina. Napangisi si Perseus. Kapag nalaman ni Red na nakasandal siya sa balikat niya, malamang magwawala na naman ito. Alam na niya ang susunod na mangyayari—ang mabilis na pagtalon nito palayo, ang kunot-noong tingin na para bang nandidiri, at ang malutong na reklamo na kesyo bakit siya nandiyan, bakit siya lumalapit, at bakit siya humihinga sa tabi niya. Napatawa siya nang mahina habang iniisip kung paano siya nito pandirihan sa

