Red's POV "L-Love..." nauutal na sabi ni Perseus, halatang hindi alam kung paano magpapaliwanag. Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko. Hindi ko na napigilan ang iritasyon at galit na bumalot sa akin. "Kung hindi pa ako dumating dito, malamang kung anong kababalaghan na ang ginawa niyo!" madiin kong sabi, sabay kuyom ng mga palad ko. Hindi ko na kayang itago ang inis ko. Pinakawalan ko si Kezeniah at lumayo sa kanilang dalawa, hindi dahil natatakot akong makasakit, kundi dahil baka mas lalo ko pang maipit ang lintang babaeng 'to. Nakita ko ang takot sa mata ni Perseus habang dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "I can e-explain. Do not jump to a conclusion, love." Medyo nabasag pa ang boses niya, halatang kinakabahan. I let out a dry laugh. "Explain what? Kung paano ka nilandi ng bab

