Nothing "Night out?" Emma probed, and I could tell that she was already hesitating with the idea of going out, knowing that Drew's going to be with us. Paano pa kaya kung sinabi ko sa kanya na pati si Naiyah ay kasama? Paniguradong hindi na talaga siya papayag kaya hindi ko 'yon sasabihin sa kanya. "Oo! Mamaya sa may BGC," sabi ko. "Hmm... I don't know, Kriesha..." nag-aalangan niyang sabi at saka pumeke ng tawa. "Biglaan ka naman kasing mag-aya. Hindi man lang ako makakapaghanda nang maayos." "Emma, you promised me..." I reminded her about the promise she made. "Ang sabi mo ay sasama ka na sa susunod na ayain kita sa labas nating magkakaibigan. You swore that you'd try taking the first step." She took a deep breath, and I could imagine her slowly nodding her head on the other line.

