Glance
"Ito na ang huling sahod mo, Kriesha," sabi ng aking boss.
Ngiting-ngiti ako nang tanggapin ko ang sahod. Alam ko na kung magkano iyon dahil katulad lamang ito ng sahod ko noong nakaraang buwan.
"Thank you, Ma'am Ethel!" masaya kong pasasalamat sa kanya.
"Walang anuman," nakangiti niyang sabi sa akin. "Basta huwag mong kakalimutan, ah? Dapat sa susunod na bakasyon mo at sa darating na Christmas break ay tumulong ka ulit dito. Kailangan namin ng dagdag na tao."
Mas lalong lumawak ang aking ngiti at paulit-ulit na tumango. "Syempre naman po, Ma'am!" sabi ko. "Sana po sa susunod, may dagdag na ang sahod."
Napailing si Ma'am Ethel sa aking biro habang nagpipigil ng ngiti. "Sige na nga't umuwi ka na. Baka bawiin ko pa 'yang sahod mo."
"Salamat po ulit!" muli kong pasasalamat bago tuluyang lumabas ng shop at makauwi na pagkatapos ng nakakapagod na huling araw sa aking part-time job.
This is the reason why I couldn't go home in Bela Isla during our sembreak and term break. I was spending my time working on my part-time job in this milktea shop near my apartment. Sinubukan ko lamang ito noong unang bakasyon ko at masuwerte akong mabait ang may-ari nito. Natutuwa rin ako dahil nagagamit kong panggastos ang naiipon kong sahod dito sa eskuwela.
I wanted to be independent and this was one of the steps to achieve the independence that I wanted to have. Of course, I couldn't fully provide for myself yet. My parents were still the one paying for my rental fees in the apartment as well as the water and electricity bills, but for the groceries and my allowance, I was the one providing it.
Hindi naman ako magastos at natuto akong magtipid ng todo ngayong nabubuhay akong mag-isa rito sa Maynila. Minsan kapag kinakapos ay saka lamang ako humihingi kina Mama at Papa, pero hangga't maaari ay iniiwasan kong mangyari iyon. Mabuti na lang at napag-ipunan na nila itong pag-aaral ko sa Maynila simula pa lang noong pinanganak ako dahil gusto talaga nila akong pag-aralin dito kaya hindi naging ganoon kahirap para sa kanila ang maglabas ng pera para sa aking mga gastusin. Nakaluwag pa nga sila dahil sa kagustuhan kong magpart-time kaya sila ang lumuluwas dito tuwing bakasyon.
Bahagya akong napatigil sa paglalakad nang makita ko si Walter na muling nag-aabang sa aking pag-uwi. Nakapamulsa siya at pinapanood ang mga sasakyang dumadaan sa kanyang harapan. Naglakbay ang aking mga mata sa plastik na kanyang hawak-hawak na mula sa isang kilalang fast food restaurant. Mukhang balak niya na namang sa aking apartment kumain ng dala niyang pagkain.
Papalapit na ako sa kanya nang bigla siyang lumingon para siguro tingnan kung nakalabas na ako. Nang makita ako ay agad siyang tumuwid sa pagkakatayo at sinalubong ako ng ngiti bago iniangat ang dala-dala niyang pagkain.
"Jollibee for dinner!" he announced.
I couldn't help but to smile. Walter's a very caring friend that even if he could be annoying as hell, you still wouldn't want him out of your life.
I remembered when he found out that I was planning to stay here in Manila every break to work part-time, he also stayed. Naghanap din siya ng kanyang mapapasukang part-time job para lamang masamahan din ako rito sa Maynila. Kahit na pinilit ko siya noong umuwi sa kanila ay hindi siya nagpatinag. Kagaya ng aking pamilya, ang pamilya niya na rin ang bumibisita sa kanya rito kahit iilang araw lamang.
He said that he didn't like the idea that I will stay here in Manila, while he's at Bela Isla. Ang sabi niya ay wala naman daw siyang mabu-buwisit at maaasar doon dahil wala ako, pero alam ko namang nag-aalala lang din siya sa akin.
"Jollibee ulit?" natatawa kong tanong sa kanya nang makalapit ako kahit na gustong-gusto ko naman nang kanyang biniling pagkain.
"Huwag ka nang mag-inarte," pabiro siyang umirap sa akin. "Alam ko namang naglalaway ka na ngayon dahil naaamoy mo na ang Chicken Joy."
Hindi ko na napigilan ang paghagalpak ko sa pagtawa. Talagang kilalang-kilala na niya ako. Ang tanging naitago ko lang ata sa kanya ay ang pagkagusto sa lalaking mukhang ayaw niya para sa akin.
"Papunta na rin daw si Drew sa apartment mo. Magdadala raw siya ng pizza at chicken wings," dagdag niya.
My eyes slightly widened and I suddenly got excited. "Talaga? Pupunta raw si Drew?!"
Ngayong summer vacation kasi ay hindi pa nagpapakita sa amin si Drew. Ang sabi niya naman daw kay Walter ay umalis daw sila ng bansa kasama ng kanyang pamilya para magbakasyon.
Tumango si Walter. "Kakagaling lang nila mula sa European tour nila," sabi nito. "May dala rin siyang pasalubong para sa atin."
I clapped my hands because of excitement while Walter frowned.
"Tuwang-tuwa ka naman masyado. Baka nakakalimutan mong may iba nang nagmamay-ari sa puso ni Drew," nakakunot-noong sabi sa akin ni Walter.
Natawa naman ako sa kanyang sinabi. "Ano ka ba?! Syempre, hindi ko makakalimutan 'yon, no," sabi ko at bahagyang nalungkot nang maalala ang matalik na kaibigang naiwan namin sa Bela Isla.
Mukhang napansin iyon ni Walter at alam kong alam niya ang aking iniisip ngayon. He mirrored my expression before he heavily sighed. "Namimiss mo na si Naiyah, no?"
"Oo naman..." I said and smiled slyly.
In my deepest thoughts, I always missed Naiyah even though I was very busy with my college life here in Manila. I considered her as my greatest best friend. Hindi ko lang alam kung ganoon din ba ang tingin niya sa akin lalo na ngayong hindi na kami nakakapag-usap.
Noong unang taon ko rito sa Maynila ay nagkakausap pa kaming dalawa pero noong naging busy ako dahil maraming mga requirements ang itinatapon sa amin ay nagsimula na kaming maging malayo sa isa't isa. I was completely drowning in our requirements and projects. I would spend most of my time working on it. Iba pa ang oras na nilalaan ko para sa pag-aaral at paggawa ng mga assignments.
One time, when I visited her f*******: profile to check on her, I saw that she already made new friends. May bago na siyang barkada at mukhang masaya siya sa kanila. You could say that I was somehow jealous about it. Hanggang ngayon kasi sila-sila pa lang din ang matalik kong kaibigan. I have made new friends, but I wasn't that close to them. Kaya ngayon ay nahihiya na akong i-approach siya. Pakiramdam ko rin ay may galit siya sa amin dahil iniwan namin siyang mag-isa roon.
"I'm sure she also misses you," Walter tried to make me feel better by saying that.
"Sana nga..." sabi ko na lang at saka bumuntong hininga bago ngumiti. "Should we also invite Emma tonight? Para naman kahit papaano ay kumpleto tayo."
Walter c****d his head on one side like he was thinking about my suggestion so deeply. "I don't think we should invite her," he said. "Alam ko namang naaalala mo pa rin noong huling beses silang nagkasama ni Drew. It was a total disaster. Noong nalasing si Emma ay halos sapakin niya si Drew. Ayoko na ulit mangyari 'yon."
I pursed my lips. "I just really want us to spend more time with each other. Sayang ang friendship na binuo natin sa Bela Isla noon."
"Hintayin muna nating makapagmove-on si Emma bago tayo magsama-sama ulit," sabi ni Walter. "Hindi magiging maayos ang pagkikita natin kung mayroon pa ring hinanakit si Emma kay Drew."
Mas lalo akong napanguso. "Sa tingin ko ay matagal pa bago mangyari 'yan," sabi ko. "Emma still loves him despite the pain he caused her. Sinubukan ko na siyang kausapin patungkol diyan pero iniiba niya lang ang usapan naming dalawa."
"Just let her be," sabi na lang ni Walter.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon na lang sa sinabi ni Walter. Kung paano si Emma kay Drew, ganoon din naman si Drew kay Naiyah. Emma loves Drew, but Drew loves Naiyah.
Nang makarating kami ni Walter sa apartment ay nandoon na si Drew. Nakasandal siya sa kanyang sasakyan habang naghihintay sa labas. We brought the food he bought for us inside my apartment and started having a mini party before we spend another busy year which will hinder us from meeting each other from time to time, especially that we're already on our third year.
Kinabukasan, maaga akong sinundo ni Walter sa apartment upang magsabay kami papasok sa eskuwela. I didn't know why my knees kept on trembling the moment we arrived in our campus. Hindi ko alam kung magandang senyales ba ang panlalambot ng aking tuhod pero lihim akong nananalangin na sana ay umayon sa akin ang araw na ito. Hopefully, it's not about the strict professors that I might meet today.
"After your first class, susunduin kita sa classroom mo para magsabay na tayo sa susunod na klase," sabi sa akin ni Walter nang nalalapit na kami sa silid kung saan ang unang klase ko ngayong umaga.
Tinanguan ko na lang siya bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi at saka siya itinaboy dahil baka mahuli pa siya sa kanyang klase. Mayroon na lamang natitirang limang minuto bago magsimula ang klase at nasa ikatlong palapag pa ang kanyang unang klase. Mabuti ay agad akong pinakawalan ni Walter upang hindi mahuli sa kanyang klase.
I resumed going into our room and was struck when I saw a very familiar face inside. He was having a conversation with his clique which was keeping him entertained. The way his lips moved every time he talked and laughed didn't escape my eyes. Suddenly, my whole attention and focus were all on him. It was like I had no plans on taking my eyes off him.
Our last encounter was the time he asked if he could drive me home. That happened last term before we went on a term-break. Simula no'n, nakikita ko pa rin naman siya sa campus pero hindi na siya lumalapit sa akin. Everytime our eyes would lock, he would just casually nod at me. Pakiramdam ko ay masama ang loob niya sa akin dahil sa naging pagtanggi ko pero ayaw ko rin namang umasa na iyon nga ang dahilan. Ang inisip ko na lang ay baka siguro hindi niya naman talaga ako gustong kausap o kasama. He was just being friendly. That's all...
When I saw him about to turn his face on my direction, I immediately looked away and acted like I was finding a place where to sit. Nang makita kong bakante ang upuan malapit sa bintana at malayo sa kanyang puwesto ay agad ko iyong tinungo at doon na naupo. I tried to steal a glance from him just to have a glimpse. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata at muli akong nag-iwas nang tingin sa kanya nang makita kong diretso lamang siyang nakatingin.
It felt like my heart was about to burst because of its unusual fast-paced beat. I couldn't also catch my breath. Napag-iiwanan na ako nito. Hindi ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko―kung ang pakalmahin ba ang pagwawala ng aking puso o ang paghabol sa aking hininga. Hindi matigil ang paghuhuramentado nito lalo na nang muli akong sumulyap sa kanya at nakita kong sakto rin ang kanyang pagtingin sa akin.
Wala sa sarili kong kinuha ang pamaypay sa bag at pinaypayan ang sarili kahit na nakabukas na ang aircon sa loob ng silid at halos tapat ko lang ito. Damang-dama ko ang init na dumadaloy sa aking buong katawan at ang unti-unting pamumuo ng pawis sa aking noo.
Iniisip ko kung dapat ko ba siyang harapin para ngitian o batiin kahit papaano dahil magkakilala kaming dalawa o magkunwari na lang na wala akong pakialam sa kanyang presensya. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang pagiging mailap niya sa akin noong malapit nang matapos ang second semester last school year.
That's right. I shouldn't approach him. What if he won't notice me? Kakausapin ko lang siya kung siya mismo ang unang kakausap sa akin. I didn't want to look like I was craving for his attention, even though I really was.
Our professor miraculously went inside our room just when we were all about to go outside already since the fifteen minutes grace period was almost over. Because it is the first day of classes, I listened to the rules and requirements of my professor, as well as the course outline. Himala rin na nagawa kong ibaling ang buong atensyon ko sa harapan, ngunit inaamin kong paminsan-minsan ay nalilihis ang aking tingin sa gawi ni Rojan na tahimik at seryoso lamang habang nakikinig.
We were dismissed thirty minutes early when she was already done discussing everything that she needed to discuss during our first day of meeting. Nang mapatingin naman ako sa labas ng room ay nakita kong naghihintay na sa akin si Walter na mukhang kanina pa naroon. Maybe his professor didn't show up.
"Uy, kaklase pala natin si Krieshana!" dinig kong sabi ng isa kong kaklase na lalaki at bago ko pa lingunin kung saan nanggaling iyon ay tinawag na ako nito. "Hi, Krieshana!" bati niya sa akin.
I was proud of myself as I was able to control my emotions when I saw that the guy who called me was one of Rojan's friends. I didn't know if we've been introduced to each other already or if we became classmates in my past subjects... I couldn't remember him. He wasn't that familiar to me, but since he's his friend...
"Hi..." Nahihiya akong ngumiti at kumaway sa kanya. "Mauuna na ako," agad kong paalam para makalabas na dahil hinihintay pa ako ni Walter.
Before I finally left, I stole one last glance from Rojan. He was just staring at me with his jaw tightly clenched.
Agad ko rin namang pinutol ang aking tingin sa kanya. Tinalikuran ko sila at mabilis ang aking naging paglakad palabas sa silid kung saang naghihintay na sa akin si Walter para sabay kaming tumungo sa susunod na klase.
Parang pinipiga ang aking puso habang mas lalo akong lumalayo sa kanya. Hindi ko na talaga alam kung bakit ayaw niya akong kausapin at ayaw ko na ring isipin dahil kakaibang sakit ang dala nito sa akin.
Pero siguro ngang talaga... Sa nararamdaman ko pa lang na kirot sa aking puso, alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko tungkol sa aking nararamdaman na noon ay hindi ko pa masyadong maintindihan...