Isang buwan na akong nasa apartment. Simula ng lumabas ako sa ospital ay di na ako nagtangka pang bumalik doon sa bahay na iyon. Nakahiga ako sa kama at nagtitingin ng baby pictures ng pumasok si Jojo. "Ginagawa mo na naman yan? Halika na. Kakain na tayo." Hinigit niya ako papatayo. Hindi ako binababy ni Jojo. He's still him. Sabi nga kasi ay hindi dapat ako kinakaawaan. Kung gusto ko raw na mabilis na makalimutan ang sakit dapat hindi ako nagpapaawa. Kaya ayun, balik siya sa rudeness niya. Tumango ako at sinara iyong laptop. Nakahain na ang lahat ng pagkain. Kahit sabihin man ni Jojo na hindi dapat ako kaawaan.. ramdam ko na nag-iingat pa rin siya. "Tumawag na naman iyong X&Y dito. Hinahanap ka. Nagreremind nang interview next week." Panimula ni

