Para akong mababaliw habang nakatingin sa blangkong papel. Gusto kong punitin iyon ng wala akong makitang kahit ano na konsepto sa aking utak. Dinukmo ko ang aking ulo, nagbabakasakaling may pumasok doon. "Knock, knock." Napatingala ako ng marinig iyong baritonong boses sa aking opisina. Ngumisi ako at binaba ang lapis na hawak ko. "Kirk." Pinakita niya ang dalang pagkain. Ngumiti siya at nilapag iyon sa isang coffee table. Ngumuso ako. Siguro ay kakain na nga ako kaysa masira ko iyong papel. Lumapit ako sa kanya at binuklat iyon. Nakita ko ang sushi doon at isang lobster. "Wow. I thought you're busy?" He just stared at me. Slowly, his lips start to form a grin. "Yeah. I am but I'll do find a way to have lunch with the best archite

