Nanginginig ang mga kamay ni Irene habang yakap-yakap ang katawan ni Meng na bumagsak sa kaniya. "M-Meng..." garalgal ang boses na sambit ni Irene. Si Calix ay kaagad din napaluhod sa tabi ni Meng at hinawakan ang palad nito. Bigla namang umiyak si Baby Armina na buhat-buhat ni Yñigo. Pilit na nagsalita si Meng, "I-Irene... M-mahal... Na mahal... K-kita... K-kahit sa ibang... katauhan mo... H-hindi nagbago ang nararamdaman ko..." bahagya pa siyang napaubo dahil sa hirap sa pagsasalita. Palakas naman nang palakas ang mga hikbi ni Irene habang nakikinig kay Meng. "T-tama n-na... P-patawarin mo na ako..." muling buka ng bibig ni Meng. "M-Meng... P-patawarin mo rin ako... Please, huwag mo na naman akong iiwan," saad ni Irene sa kabila ng mga hikbi nito. Nilingon naman ni Meng si Calix n

