Napalingon si Yñigo nang bumukas ang pinto ng kuwartong kinaroroonan niya. May isang araw na siya sa kuwartong iyon at pumapasok lang ang taong nagbabantay sa kaniya kapag binibigyan siya ng pagkain. "Sino ba talaga kayo? Anong kailangan niyo sa akin?" bungad kaagad ni Yñigo. "Kumain ka na lang at 'wag kang matanong. Pasalamat ka pa nga at binubuhay pa kita kahit na alam kong ipapapatay ka rin naman," kalmadong sagot ng taong nakabonet at boses lalaki. "Hayup kayo...." mahinang anas ni Yñigo. Hindi naman na nagsalita pa ang taong iyon at iniwan na rin ulit si Yñigo. Ibinato ni Yñigo ang pagkaing dala sa kaniya pagkasara ng pinto. Napaiyak na rin siya dahil sa awa sa sarili. Unti-unti niyang naalala ang nangyari noong tumakas siya sa ospital... Flashback... Nagsuot ng jacket at pantal

