[Sydney Paralejo's POV] Ever since the recent quiz where I only got 13/25 which also happened in my dream last night became true, inisip ko na lamang na coincidence lang ang lahat ng 'yon. Hanggang sa tatlong araw ang dumaan na sunod-sunod ang aming quizzes sa iba't ibang mga subjects at tatlong beses ko ring napanaginipan ang mga answer key nito. Also, tatlong beses rin akong nakakuha ng mga mabababang score dahil hindi pa rin ako naniniwala sa mga answer key sa panaginip ko. Hindi kakayanin ng sikmura ko na mangopya sa sarili kong panaginip dahil baliktarin ko man ang mundo ay pangongopya pa rin ang tawag doon. It was until I got a score of 10/25 in my Personal Development subject na ikinaiyak ko ng patago sa classroom dahil hindi ko na kakayanin ang ganito pang score na makikita ko.

