Chapter 3

1973 Words
[Sydney Paralejo's POV] Around 8:00 P.M. ay tinawag ako ni Mama galing sa kusina, sinasabing kumain na. Kitang kita sa mukha ko ang pagkamangha sa putaheng inihanda niya sa mesa. "Presenting, Adobo ala Liezel." She made it sound like it's a famous Filipino cuisine and I chuckled in response. The reason why I love Adobo so much is because the texture and the taste is so perfect most especially if it is cooked by Mama. Noong bata pa ako, palagi niya akong nilulutuan ng Adobo at minsan nga ay nagbibiro siya na pinaglihi niya raw ako sa Adobo kaya ako ganito katakam sa ganoong ulam. What makes it more special is that the taste did not change hanggang sa tumanda ako ngayon. Kung ano ang lasa ng pagkaluto ni Mama noong bata ako ng Adobo ay iyon pa arin ang lasa nito ngayon. Tuwing kumakain ako ay para bang nababalik ako sa pagkabata dahil sa lasa ng ulam na ito. Kahit na minsan may Adobo na binebenta doon sa paaralan namin ay kakaiba talaga ang lasa nito kumpara sa luto ng Mama ko. Sa kanyang Adobo lang ako nakakaramdam ng ganitong lasap. "Masarap ba? Pwede na ba pangkarinderia?" she asked, proud of herself and her dish. "Ma, kahit pa sa mga restaurant, pagpipilahan 'to ng mga tao." Muntik na siyang mabilaukan sa tuwa. Mga sandali pa tsaka siya nagsalita. "Grabe naman 'yon, anak. Ang dami kayang magagaling na mga tagaluto sa mga restaurant," sabi niya habang nilalagyan ng kanin ang kanyang pinggan. "Magaling sila, Ma, at magaling ka rin naman. Tsaka if maisipan mo mag-business nito, support talaga ako, Ma. Promise, benta talaga 'to." Halos di ako makapagsalita dahil may kanin pa sa loob ng bibig ko. Tumawa naman siya sa sinabi ko. "Pag-iisipan ko 'yan, anak. Sige na, ubusin mo na muna 'yan para 'di ka mabilaukan. Dadagdagan ko lang 'to ng kanin," sabi niya habang tumatayo at kinuha ang lalagyan ng kanin. Bumalik si Mama na may dalang kanin and I can't help but smile. I love rice, especially kapag ang ulam ay luto ng Mama ko. Nang naubos ko ang kanin sa aking pinggan ay nagdagdag ako ng kanin saka ulam na rin. Nag-usap kami tungol sa event kanina at humingi siya ng tawad dahil hindi siya nakadalo. I assured her that it's fine and I completely understand her reason for that. Matagal kaming nag-usap ni Mama nang napunta ang usapan namin tungkol sa pag-aaral ko. "Nga pala, anak. Anong plano mo sa senior high school? Ano nga 'yong sabi mo sa akin noon? Strand ba 'yon? Yung sa K to 12?" nagtataka niyang tanong. Nilunok ko muna ang pagkain sa aking bibig saka ako nagsalita. "Oo, Ma. Bale may idinagdag na two years after junior high school for preparation sa college. At tsaka, pipili kami kung saang strand kami mag-e-enroll." "Ah. Wala kasi 'yan sa amin dati, anak, eh. Ngayon lang 'yang K to 12 isinagawa at inaprubahan. Anong strand pipiliin mo?" tanong niya. "Sa ngayon pinag-iisipan ko pa rin anong kukunin ko. Dapat kasi, Ma, ay piliin ko yung naaayon sa pipiliin ko na course sa college." pagpapaliwanag ko. I really don't have many choices in mind. But I have to make sure that what I will choose will be of my own interest at 'yong hindi ko pagsisisihan sa huli. "Sige lang, anak. Piliin mo yung kursong gusto mo kunin sa college, ha? Huwag ka mag-alala sa pera o tuition dahil magagawan 'yan natin ng paraan," she assured me. "Salamat, Ma. Pero naiintindihan ko ang sitwasyon natin at alam kong limitado lang ang pagpipilian ko ng kurso. Pag-iisipan kong mabuti na piliin 'yong alam kong kaya natin sustentuhan," sabi ko pabalik. I know Mom wants me to choose a course that I want the most. But let's be real. Money does not grow and fall from trees and the tuition in college is far way more costly than during high school. If I am lucky enough to be one of the full scholars in our school, I will do my best to maintain that scholarship up till I will graduate because, to be honest, that is my only chance. I still appreciate Mom for reassuring me all the time regarding this matter. "Salamat sa pag-iintindi, anak. Hindi man ako nakapagtapos ng pag-aaral ay sisiguraduhin kong makapagtapos ka para hindi ka matulad sa akin," her voice broke as she spoke the last word. Agad ako napahinto sa pagkain nang nakita ko ang mga luha na nagbabadya sa mga mata niya. I made my way to her seat and hugged her instead. "Mama naman, eh. Huwag mong maliitin ang sarili mo dahil hindi ka nagkulang sa pagpapalaki sa akin," sabi ko habang pinapahiran ang mga luhang tumutulo sa pisngi niya. "Mag-aaral ako nang mabuti para sa ating dalawa. Para ako na ang magpatuloy sa pangarap mong makapagtapos ng pag-aaral," sabi ko at hinawakan ang kanyang mga kamay nang mahigpit. "Salamat talaga, anak. Ang dami ko lang kasing gustong ibigay sa 'yo pero hindi ko magawa kasi walang wala talaga ako," malungkot na sambit niya. "Huwag ka na umiyak, Mama." I pat her back and reassured her that everything's going to be fine. That I am contented of what we have as of today. "At dapat diba na masaya tayo ngayon dahil natapos na ako ng junior high school? Ayan kaya tahan na at baka lumamig na itong niluto mo," sabi ko na ikinatahan niya. Tumawa na lamang kaming dalawa at nagpatuloy sa pagkain ng hapunan. Mom is so precious to me and I really want to give her everything she deserves. Alam kong marami siyang sariling mga gusto sa buhay and I will do my best to give all of those to her. Before I knew it, my plate was already clean and empty as I was so full. Si Mama ni hindi pa nangalahati sa pagkain niya. "Ma, busog na busog na ako," I groaned. "Ayan, mabuti 'yan, anak. Hindi pwedeng hindi ka mabusog sa luto ko." Tumawa kaming dalawa saka siya nagpaalam sa kanyang pupuntahan. "Anak, may duty ako mamaya sa club dahil sabado ngayon. Alam mo naman linggo-linggo ako may trabaho do'n, diba?" tanong niya. Hindi ako nagpakita ng galit o anumang pandidiri sa kanya. Instead, I went to her and hugged her again for a few seconds saka nagsalita. "Huwag ka mag-alala, Ma. Makakapagtapos ako at ako ang mag-aahon sa atin sa hirap. Ako mag-aahon sa'yo sa trabaho mong 'yan. Pangako 'yan." My mom works in a bar every Saturday. And a dancer at that. She doesn't accept indecent proposals dahil sinabi niya sa akin na hanggang pagsasayaw lamang ang punto niya roon. Pero kahit na sasayaw lamang siya sa harap ng mga tao, ilang beses niyang sinabi sa akin na diring-diri siya sa sarili niya sa tuwing nakikita niya ang kanyang sarili sa salamin. Na tuwing humiyaw ang mga lalaki kapag siya'y gigiling sa entablado ay parang naiiyak siya. Palaging nangunguna ang takot kapag ina-announce ng announcer ang pangalan niya para sa kanyang performance. Iniisip niya na lang na para ito sa kapakanan naming dalawa, para ito sa pag-aaral ko, at para may makain kami sa mesa. "Salamat, anak," she said as she hugged me even tighter. To be in her arms is where I feel secured the most. 'Yong tipong kapag niyayakap niya ako, parang walang makakapag-api sa 'kin at hindi ako sasaktan nino man. We both laughed at ourselves saka nag-ayos na ng hapagkainan. She went to her room to get ready and I went to the sink to wash the dishes. This was our routine every day. Ako ang magtatrabaho sa umaga sa bahay dahil lalabas si Mama para maghanapbuhay. Though, hindi naman mabigat ang mga trabaho sa bahay dahil dalawa lang kami dito. Uuwi siya tuwing hapon at kapag sabado ay magduduty siya sa gabi saka uuwi ng magdamag. Our life is simple and even if most people say that it is disgusting and awful, I choose not to mind them since all of them are just spouting prejudice. Also, there's a saying that I always bear in mind. Always remember that most dogs will bark at people they don't know. [After 2 months] I woke up early at 4:30 in the morning and sat straight up on my bed. "This is the day. And I hate it," I said to myself before getting off the bed. Ito na ang unang araw ng klase and thinking about it makes me went to go back to sleep. Walang gana akong lumabas ng kwarto at nagsaing para sa aming agahan ni Mama. I was yawning nonstop as I took a bath because I was really nervous last night to the point that I didn't get enough sleep and now I look like a zombie. Habang naliligo ay napansin ko na ang bilis ng dalawang buwan at simula na naman ng klase. Siguro dahil araw-araw ako doon sa tindahan ng amo ko noong summer para makatulong kay Mama sa gastos sa bahay. Ang ginagawa ko doon ay every morning alas 5:30 ng umaga ay nilalabas na namin ang mga gulay, spices, at mga prutas sa labas ng tindahan para simula umaga pa lang ay may bibili na sa amin. Marami kaming mga kaharap na tindahan kaya paagahan talaga sa pagbukas at pagalingan ng "sales talking". Tamang tama naman 'yong nabebenta namin sa isa araw dahil natuto akong mag-sales talk noon kaya nakukumbinsi ko ang mga kostumer na sa amin bibili ng mga bilihin. Hindi pa rin maiiwasan na may mga tao, lalo na mga lalaki, na pinapasadahan ako ng tingin at biglang tatawa o hindi kaya'y biglang bibilisan ang lakad habang nakasimangot ang mukha. I don't have plans to give them my attention, of course. Nandito ako para magtrabaho and nothing more. Also, 'yong percentage ng share ko sa aming profit ay nababase sa halaga ng aming kita sa araw na 'yon. Since napagsunduan namin ng amo ko na daily ko kukunin ang aking share sa kita namin ay araw-araw rin akong may naibibigay kay Mama para sa mga bibilhin na kailangan dito sa bahay. Nagpapasalamat lang rin ako na napakabait ng amo ko at hindi kagaya ng mga iba na hindi na nga patas 'yong share ng kita ay dadagdagan pa ang trabaho mo. Alas 7:00 sa gabi naman ako umuuwi dahil iyon ang napagsunduan namin. Araw-araw ay ganito ang routine ko sa dalawang buwan na walang pasok, except tuwing Sunday, kaya siguro hindi ko napansin na ngayon ay pasukan na pala ulit. Thanks to my summer job, mayroon rin akong sariling pera na naipon kung sakali man ay may gusto akong bilihin. Ilang minuto lang ako sa banyo saka lumabas na ako dahil binabantayan ko 'yong sinaing ko na maluto. I went to my room and wore decent clothes at lumabas ulit para tignan ang sinaing. Nang maluto na ay inalis ko na ito at kumuha ng lalagyan. I set up the table, nilagyan ng dalawang pinggan, kutsara't tinidor, tubig, at inihain ang kanin sa hapagkainan. Pagkatapos no'n ay nagluto na ako ng dalawang itlog at tuyo na daing para sa ulam namin ni Mama. Pagkatapos kong magluto ay hindi pa rin mawala ang antok sa aking katawan kaya naman nagtimpla ako ng kape para agising ang buong diwa ko. Mom woke up an hour later at nagpaalam na ako na mauuna na akong kumain dahil maaga pa akong papasok sa eskwelahan. Akmang aalis na ako ng bahay nang niyakap niya ako nang mahigpit. "Anak, good luck sa unang araw sa klase mo, ha? Galingan mo doon sa paaralan," sabi niya. Ngumit naman ako at mas yumakap nang mahigpit. "Oo, Ma. Gagalingan ko doon. Alis na po ako." She let go of our embrace saka ako nagsimulang maglakad palabas at palayo ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD