[Sydney Paralejo's POV] Bigla akong nagising sa at napamulat sa isang panaginip na halos hindi ko na maitanggal sa aking puso't isipan. Pakiramdam ko parang sasabog na ang puso ko dahil sa kaba at takot. Hindi na 'to panaginip. Isa na 'tong bangungot. Isang marahas na bangungot. Wala akong magawa kundi tumingin nang diretso sa aking harapan. I stood there, right in front of the woman who I despised my whole life ever since the two of us faced off noong nakaraang buwan sa harap ng bahay. The woman who treated us like garbage right in front of everyone while throwing nasty words towards our face. Ang babaeng kailanman ay hinding-hindi ko mapapatawad dahil sa ginawa niyang pag-aabuso sa Mama ko. Ang babaeng tinapakan ang buong pagkatao namin ni Mama sa harap ng maraming tao. Chloe's Mom.

