NANG ARAW na iyon ay kakababa lang ni Beatrice sa kotse niya nang makita niyang nagkakagulo ang ilang estudyante sa harap ng bulletin board ng university nila. “Ano bang pinagkakaguluhan ng mga ito?” At some point ay na-curious siya ngunit sa huli ay nagkibit-balikat na lang siya. She continued on walking when suddenly she heard their noise that caught her attention. "Nakapasok ako sa audition para sa opera show! Yes! Yes! Yes! Whoohh!" Awtomatikong napatigil siya sa paghakbang sa narinig. Sinundan niya ng tingin ang lalaking tuwang-tuwang nagtatalon at tumatakbo palayo. “What did he just say? Nakapasa siya sa audition? Then that means may result na ang audition?” Nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng excitement. She's too excited to see the result. Hindi na siya nagdalawang i

