NAGTAKA si Tom nang lumarawan ang sakit sa magandang mukha ni Bea matapos nitong makipagpalit ng posisyon sa kanya. Kinabahan siya nang maramdamang basa ang likod nito. 'What the heck just happened? What's with this?' Nanginginig at nanlalamig na iniangat niya ang kamay. Tiningnan niya ang palad at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang pulang likido doon. Pakiramdam niya'y tumigil sa pagtibok ang puso niya sa nakita. "B-Bea.." awang ang mga labi at hindi makapaniwalang napatitig siya sa dalaga. Sunud-sunod ang pagpatak ng luha nito. 'No.. It can't be..' Isinakripisyo nito ang buhay nito para sa kanya? Bakit? Bakit kailangan nitong gawin iyon? Labis siyang nasasaktan nang mga oras na iyon. Tumulo ang luha niya habang pigil na pigil ang paghinga. Parang ayaw niyang

