28—Guess Who? Nandito kami nina Boby, Neo, at Xyren sa labas ng gate. Ewan ko basta simula pa kanina hindi na ako iniimikan nitong si Boby. Nakakainis lang dahil kagabi, ayos pa kami sa ayos. Nakakabwesit lang. ‘Yong parang wala lang sakaniya lahat ng ginawa niya sa ‘kin. Pinagbuksan ako ng pinto ni Neo kaya papasok na sana ako nang biglang akong tawagin si Boby. Nilingon ko siya ng nakabusangot at ito nanaman ang expression niyang mukhang panis. “Ano?” Tawag-tawag tapos titigan lang pala ako. Konsenya ka men? “Sabay tayong mag lunch mamamaya. Hihintayin kita sa faculty.” Saka siya pumasok sa kotse niya at naunang umalis. Okay, heto ako natulala. Ang rupok lang sis? Ah basta, naiinis pa rin ako. Hmmpt. -.- Pumasok na rin ako sa back seat at saka kami lumarga. Nakatingin lang a

