PAALAM MGA KAIBIGAN
Bryce POV...
Pupunta sana kami ni klein sa cr nang biglang marinig namin ang isang usapan ng mga pamilyar na boses.
Kay Clark at Xyrus...
"Pag nalaman kong hihingi ka ng tulong diyan sa kapatid ko, kahit siya kaya kong alisin sa mundo"
Rinig kong sabi ni Xyrus na ikinagulat namin ni klein.
"What the- ano bang sinasabi mo xyrus he's your older brother" Rinig naman naming sagot ni clark kaya agad na hinila ko si klein at tumakbo kami papunta sa baba ng second floor na ito nasa 2nd floor kasi ang classroom.
"Bes, nasa panganib si Clark" bulong ni Klein saakin
"Alam ko, kailangan natin siyang tulungan" sagot ko kay klein na parang maluluha na siya sa takot.
"Pero, papatayin tayo ni Xyrus"
"Hindi naman tayo magpapahuli sakanya klein"
"May plano kaba?"
"Oo meron"
----
Clark's POV...
Nasa classroom na kaming lahat ngayon 5minutes lang kasi ang ibinigay ng teacher namin sa snack time kaya agad kaming nag sibalikan nakita ko naman si bryce na sinesenyahan ako kung okay lang ba ako sa likuran nila at tango lang ang nagiging sagot ko.
As usual na nakikita ko parin sa peripheral vision ko ang matalim na titig saakin ni xyrus, para siyang isang multo sa horror story na hindi mapakali kong hindi makukuha ang gusto niya-nakakatakot.
Maraming diniscuss saamin ang professor namin sa science kaya natagalan at isama pa ang filipino na ang daming pinapasulat kaya medyo matagal tagal bago makauwi.
Ilang minuto pa ay natapos na rin ang klase, isa isa nang nagsialisan ang lahat habang ako ay nakasunod sa likod ni Xyrus, walang imik at tanging pagsunod lang sakanya ang nagagawa hindi ko rin magawang hingan ng tulong ang kahit sino dahil sa kanyang banta saakin.
Nanatili kaming ganun, nakasunod lang ako tapos siya panay tingin naman sakin na nasa likuran niya.
Nang makarating kami sa gate ay pinasakay niya agad ako sa kotse niya at pinaandar na ito.
Tahimik kaming dalawa nang biglang magsalita siya.
"Good job, ayos ka masunurin ka talaga" panimula niya
"Wag mo lang silang p@tayin okay na sakin" Sagot ko at nakita ko namang ngumiti siya dahil dun sa salamin na nasa front niya.
"Pangako, pero pag sinira mo ang tiwala ko p@patay talaga ako ng wala sa oras"
Nanindig ulit ang balahibo ko, paano niya nagagawang sabihin yan habang malaanghel siya kung umasta sa harapan ng mga teacher tapos demonyo pala pag nasa bahay.
'Hah! Hay*p'
Nang marating namin ang bahay niya ay agad na pumasok kami at pinapasok niya ako sa kwarto na nagsisilbing kulungan ko at nilock yun para hindi ako makaalis dahil pupunta daw siya sa palengke para bumili ng ulam.
Tahimik lang akong nakaupo sa higaan ko at sinusubukang aliwin ang sarili para hindi ma bored, nang biglang may narinig akong ingay sa labas parang may sumusubok na i unlock ang lock sa pintuan ko at nabuksan nga ito at bumungad sakin sina Klein at bryce.
"Bes!" Umiiyak na sigaw nila sabay yakap sakin
"Tara na, baka mahuli niya tayo" Sabi ni bryce at nagmadaling hinili ako.
Patakbo kaming tatlo ngayon pababa ng hagdan dahil nasa 2nd floor na kwarto ako, malaki kasi ang bahay ng gag*ng yun kaya hindi ka madaling makatakas.
"Teka pano kayo nakapasok"
"Hays, mamaya na yan tatakas muna tayo"
Pero nabigo sila nang may dumating- si xyrus
"Mga b@kla talaga" tumatawang sabi nito habang papalapit saamin.
"Wag kang lalapit" Takot na sabi ni bryce
"Aba! Magaling nagtutulungan kayo, ano pagkakaisahan niyo ako?" Nakangiting sabi nito habang patuloy na lumalapit saamin.
Umiyak naman ako habang nasaksihan ang mga nangyayari
'naloko na sana hindi sila dumating'
"Huy, hindi ba nangako ako sayo na hindi ko sila pap@tayin pwes! Hindi ko na tutuparin"
"Tantanan mo na si clark!" Sigaw ni Klein na nakahawak sa balikat ko
"Xyrus, please pag usapan natin toh" pagmamakaawa ko sakanya
"Alam mong mahal kita, clark pero bakit mo naman ako trinaydor" Nakangising sabi nito at tumawa ulit na parang demonyo
"Please lang please"
"Tumigil ka na sa pag iyak, mamaya wala kanang ilalabas na luha pag nam*tay tong dalawa"
Agad na hinabol niya kaming tatlo at nakatakbo naman kami dahil malaki laki ang second floor.
Takbo kami ng takbo dahil may hawak na pala siyang kutsilyo hanggang sa napunta kami sa kwarto ko.
"Tumigil kana please, please lang " naiiyak kong sabi at lumapit ng dahan dahan sakanya agad niya akong hinablot at hinalikan pa niya ang leeg ko
"Hmm, ang bango mo talaga" Nakangiting bulong niya habang humihikbi naman ako
"T-tumakbo na kayo please, mabuhay kayo para sakin" humihikbing sabi ko sa dalawa
"Tsk, wag mo nang patakasin yang mga yan kasi alam mo gagawa parin naman ako ng paraan para mam@tay silang dalawa"
Mahinang tumawa siya at saka tinulak ako at hinabol niya ang dalawa, nahuli niya si klein kaya napatigil si bryce na binalak agawin si klein pero huli na.
Bumagsak si klein sa sahig na walang malay wala din siyang sugat pero ang batok niya, may pasa ibig sabihin sinuntok niya ang batok ni klein para mawalan ito ng malay.
"Ah, naisip kona pala kailangan walang evidence kaya susuntukin ko nalang ang mga batok niyo at itatapon saka ipapakain kayo sa mga isda ng karagatan"
Sabi nito saka biglang nilapitan naman ni bryce si klein
"Klein, Clark , s-sorry"
Matapos niyang sabihin yun ay walang awang pinagsusuntok siya ni Xyrus sa batok at agad na bumagsak si bryce lumuha pa ang mata niya bago ito pumikit.
"H-h-hay*p ka~" humahagulgul kong sabi kasabay ang paglapit at pagyakap ko sa dalawang kaibigan na mamamatay dahil lang sa akin.
"Nakakarindi kang lalaki ka! Mabulok ka sana sa impyernong ha**p ka " Sigaw ko sakanya habang siya naman ay kalmadong nakatingin lang sakin
"Nagtiwala ako sayo, hindi ba? Pero anong ginawa mo sinira mo ito" Sabi niya na ikinagalit ko lalo
"Hindi ko nga ginawang magsabi sakanila, sila ang pumunta rito kaya hindi mo sana sila pin@tay" Sabi ko sakanya
"Sabi ko naman sayo, lahat ng makakaalam nito ay pap@tayin ko, ano bang problema sa napagkasunduan natin ha!" Malakas na sigaw niya sakin
Lumapit siya sakin at umupo sa harapan ko saka tinitigan ako ng mabuti.
"Palayain mo na ako" mahinang sambit ko pero sapat niya para marinig niya
"Ah, iiwan mo ako" tumingin siya sa ibang direksyon na parang nag iisip ng gagawin niya.
"Sige, pero mawawala ka muna sa mundo" Sabi niya at susuntukin na sana ako ng biglang may nag doorbell
"Ugh!! Sh*t, mamaya ka sakin" Sabi niya sabay turo saakin
Pumunta siya sa labas para buksan ang gate samantalang ako ay nakayakap lang sa dalawa kong best friend na hindi na nagigising.
Umiiyak lang ako habang yakap-yakap silang dalawa
"K-klein, B-bryce gumising na kayo, wag niyo akong iwan" Sabi ko
Nakaramdam ako ng malamig na hangin na parang yumayakap saakin at namamaalam sinubukan kong balewalain pero ramdam kong wala na talagang pag asang gumising silang dalawa dahil ang simoy ng hangin na yumakap saakin ay parang yakap nilang dalawa na namamaalam na.
"H-hindi niyo ako iiwan diba? Pupunta pa tayo sa korea para i meet up yung mga idols niyo"
"Tapos magmumukbang tayo sa korean restaurant at iinumng soju"
Humihikbi parin ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at bumungad ulit ang demonyong mukha niya
"Wag na wag kang lalabas nandito ang Kapatid ko" sabi niya at saka pumasok at kinuha sila bryce at klein saakin at inilagay dun sa Cabinet.
Tanging iyak lang ang nagawa ko habang nakatingin sakanya.
"Wag na wag mo din akong gagalitin"
Huling sabi niya at saka tuluyang umalis.
----
Xyrus POV...
Bago ko pin@tay ang dalawang bakla na iyon ay aalis sana ako para mamili ng uulamin namin ng pinaandar ang kotse pero nakalimutan ko palang dalhin ang wallet ko kaya bumalik ako, pagkabalik ko yun sila agad ang bumungad sakin edi anong nangyari sa kanila ngayon.
Pat*y sila sa suntok sa batok.
Mga epal na bakl@ng yun..
Nakakatuwang marinig sa tenga ang iyak ni clark dahil parang musika siya na pabalik balik sa isipan ko kaya napapangiti ako pag naririnig ko siyang umiiyak.
Isusunod ko sana siya pero ang swerte niya kasi dumating yung b@$tard older brother kong iyon nakakahiya naman sakanya kong makikita niyang nagkakalat ako diba.
"How are you, kamusta yung lessons na itinuro ko?" Tanong nito sakin at ngumiti naman ito habang humihigop ng kape.
"Okay lang, mahirap nga e" walang emosyon kong sagot
"Its okay, makukuha mo rin yun by the way kilala mo yung katabi mo kanina, na alam mo bang naamaze ako sa ganda niya kanina, babae ba yun?" Tanong niya na ikinainis ko lalo
"Bakit mo tinatanong"
"Wala lang im just curious kasi ang ganda niya like gusto ko siyang tawagin kanina para tanungin kong may bf naba siya"
"Bakl@ yun at may kasintahan na yun" sagot ko na wala paring pinapakitang emosyon
"Oh, sayang napakaganda niya pa naman hindi ko akalaing bakl@ pala siya"
Sabi nito na parang ngumingiti pa na may balak agawin saakin
'aba epal ka rin pala kuya'
Nakatitig ako sakanya ngayon ng seryoso at tahimik kaming humihigop ng kape ng biglang mag alarm ang phone niya.
"Oh i have to go, i forgot na may lakad pala ako" Sabi niya at tumayo na saka umalis, dun lang ako sumaya dahil wala na siya.
Kaagad kong binalikan yung epal sa loob pero pagbukas ko nakita kong nakatulog siya kakaiyak kaya binuhat ko nalang at ihiniga sa kama saka kinumotan.
"Matulog ka lang ha, hindi na kita pap@tayin basta wag mo lang ubusin ang pasensya ko"
Sabi ko bago lumapit sa cabinet at kinuha ang dalawa doon saka paglabas ko ng mansyon ay inilagay ko sila doon sa kotse naka pwesto sila sa upuan sa likod at pinaandar ko ang sasakyan papunta sa bundok na sa hindi kalayuan ay matatanaw mo ang isang napakalaking karagatan saka ako bumaba at pinwesto si bryce sa driver seat at pinaandar ko ang sasakyan at pinanood ang sasakyan na lumipad sa ere bago tuluyang bumagsak sa karagatan.
Tumawa ako ng tumawa na parang mababaliw dahil sa sobrang saya na makitang nalulunod sila sa tubig.
Ngayon sino man sa lahat ng tao rito sa mundo ang makaalam ay sisiguraduhin kong maaalis ko sila sa mundo nang walang kahirap-hirap.
To be continued......