PANIMULA NG KWENTO
Clark's POV......
Ito ang unang araw ng pasukan, grade 10 ako ngayon at ito ang araw na kasama ko rin ang mga kaibigan ko na masayang masaya.
Ang pangalan ko ay Clark, 17 years old medyo mas matanda na ako sa kanila dahil matagal akong nakapag aral ng kindergarten noon.
Maayos naman ang naging takbo ng buhay ko, masyadong mapayapa at puno ng masasayang alaala pero, nagsimulang maging magulo nung dumating siya.
"Class I hope maging mabait kayo sakanya, okay mr. Xyrus introduce yourself to them"
"Hi, Im Andrew Xyrus Valdez, 16 years old" Pakilala niya
"Okay mr. Xyrus umupo ka dun sa katabing upuan ni Clark" Sabi ni ma'am at pumunta naman ito sa katabi kong upuan at umupo pero bago siya umupo ay tinitigan niya muna ako- ang creepy
Matapos yun, maaga muna kaming pinag snack at hindi masyadong nag discuss si ma'am since first day of school nga kaya pumunta kami agad sa cafeteria kasama sila Bryce at Klein ang dalawang baklang besties ko.
"Hoy, bhe alam mo ba na ang gwapo nung transferee"
"Shucks sinabi mo pa"
Sabi nila habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.
" Gwapo nga creepy Naman" Ani ko na ikinataka nila
"Grabe ka naman, bago lang siya kaya siguro ganun makatitig sayo kasi ang ganda mo" Sabi ni Bryce-pano niya naman nalaman.
Tumingin ako sa kanya na parang may ibig akong sabihin na- pano niya alam
"Hays, bhe alam ko kasi nakita ko siyang kanina pa tumititig sayo" Sabi niya at natawa naman si klein habang shiniship niya ako dun sa transferee
Nang marating namin ang cafeteria ay pumila kami at bumili ng kakainin namin saka umupo dun sa isang table na may apat na upuan.
As usual na magkatabi lagi si klein at bryce dahil mas nauna silang naging mag bestie kaysa sakin kaya hindi ko na ikinatampo iyon.
Kumakain kami ng biglang may umupo sa tabi ko, naramdaman ko ang isang kakaibang presensya na ngayon ko lang naramdaman,
Yun bang parang awkward at pinaghalong kaba saka takot kaya hindi ka makagalaw, saka bigla naman siyang nagsalita.
"Uhm, pwede ba akong maupo rito? Wala na kasing ibang upuan, puno na yung cafeteria" Sabi niya, medyo nakakatakot lang dahil malaki ang boses niya yung parang pang mafia voice yung matured ganun at may nararamdaman talaga akong awkwardness na sakanya ko lang naramdaman.
"Oh sige² upo kalang kasi tatlo lang naman kami, sorry sa kaibigan ko na yan ahh mahiyain kasi yan siya" Sambit ni klein habang si bryce ay nakatitig lang sakin hanggang sa bigla na lamang niya akong hinila at nagpalusot kami na mag c-cr lang.
"Bhe, alam ko ang nararamdaman mo" Sabi ni Bryce
"Awkward ba?" Sunod niyang sabi at tumango lang ako.
Kaagad kaming bumalik matapos mag-usap tapos agad na naming hinila si klein saka bumalik sa classroom pinalusot lang namin na may pupuntahan kami.
"Truthness, pogi pero awkward kasama, ang weird" pangunguna ni klein na agad sinabayan ni bryce
"Ano bang sinabi habang wala kami?" Tanong ni Bryce kay klein
"Sabi niya, ang ganda raw ni clark siguradong aangkinin daw niya siya" Sagot niya na ikinagulat ko
"Ano pa?"
" Nagtatanong siya kong...kong wala bang tao sa bahay ni clark, tapos nagtatanong siya ng address tapos tinanong niya lahat ng info ni clark" Sabi ni klein na ikinabilis bg t***k ng puso ko
Parang tumigil ang mundo ko ng sabihin ni klein iyon, bigla akong nanginig at hindi makagalaw habang hindi makapaniwala sa nangyayari.
"Sh*t, sino ba siya sa akala niya" inis na sabi ni bryce at tumigil muna kami sandali sa may Cr malapit sa classroom namin at pumasok kami dun.
"Ano bang nakain ng taong yun, bwes*t siya" sabi ni bryce habang pinapakalma ako kasi kanina lang daw ako parang wala sa sariling mundo.
"Okay kalang bes, sorry ah" sabi ni klein
"Yeah and no need to say sorry wala kang ginawang mali" Sabi ko sakanya at nagyakapan kami.
Nang pumasok na kami sa classroom kaagad na bumungad agad siya sa tabi ko- nakaheadset at nakikinig ng music pero nakatitig sakin.
Bigla niyang tinanggal ito sa tenga niya at seryosong tumitig ulit sakin saka may sinabi.
"Clark, sabay na tayo umuwi ihatid kita mamaya" Sabi niya pero ang weird kasi talaga as in..
"Uhm, w-wag na may sundo ako" Sagot ko habang hindi tumitingin sakanya
"Ouhm, ano bang sss account mo?" Tanong niya ulit
"W-wala...wala akong sss" nanginginig na sagot ko sakanya pero hindi parin ako tumingin.
"Impossible" rinig kong bulong niya
Nang mag uwian na ay agad na pinuntahan ako ng mga bestie ko at sinabayan ako baka daw malagay ako sa panganib dahil parang sinusundan daw kami ng creepy na lalaking yun hanggang sa makalabas na kami ng gate.
Maya-maya nagring ang cellphone ko, hudyat na may tawag.
(Kringgg...kring..)
"Hello... who's this?" Tanong ko
"Sabi mo may sundo ka, bat parang maglalakad lang kayo pauwi" Sabi niya sa kabilang linya na agad naikinanginig ng tuhod ko, nilingon ko siya at nakangiti siyang tumitig saakin pinutol ko kaagad ito saka nagtaka ako kasi paano niya nalaman ang number ko.
"Bes...bes sumusunod siya satin" Sabi ni klein na ikinagulat namin dalawa ni bryce
"Tumakbo na tayo" sabi ni bryce at saka hinila ako patakbo.
Tumatakbo kaming tatlo ngayon at sa wakas ay nakalayo na rin sa lalaking iyon.
Napakaweird sa feeling na ganun umasta ang isang lalaking first day mo lang nakilala, kung gusto niyang makipag kaibigan edi sana hindi ganun ang sasabihin niya pero-mali, hindi yun ang gusto niya
Gusto niya ako, gustong-gusto niya akong maging sakanya at parang hindi niya ako tatantanan.
At sa wakas, nakauwi na rin ako sa aking tahanan, ganun parin sobrang tahimik.
Ako lang kasi at si lola ang nakatira sa bahay na ito pero nung mamatay si lola ay nawala na ng parang bula ang kakaunting kasiyahan na natitira sa bahay na ito.
Luma na itong bahay ko at parang isang buga lang ng malakas na hangin ay matutumba na pero wala akong choice kailangan ko munang makapagtapos ng pag-aaral para makapagtrabaho ng maayos na trabaho at makatira ng bahay na hindi ganito ka sira.
Kasalukuyan ako ngayong nagpapart time job sa isang malapit na convenience store na kapag wala masyadong customer ay automatic na magmumukha kang tangà doon masyado na ring malaki ang utang ko sa boss namin parang kulang nalang ipabaranggay na ako dahil sa laki ng utang ko sakanya na ipapabawas ko lang ng sweldo ko pag nakasweldo na kaya ito ako pag sweldo na namin minsan kaunti nalang ang natatanggap ko o minsan wala talaga, buti na nga lang at nagbibigay minsan ng pera yung dalawa kong besties pati na rin yung ibang kakilala ko rito
Ngayon, masyado pang maaga pero pumasok ako sa trabaho ko kasi baka magka incentive ako diba, panalo na yun dag dag sa sweldo kong kinuha na ng boss ko dahil sa utang.
"Ang aga ahh" Sabi ni Ate Rose ang pumapalit sakin tuwing umaga tapos ako naman pag hapon at gabi.
"First day of school e, maaga kaming pinauwi" Sagot ko at ngumiti lang ito saka may ibinigay.
"Oh heto, pera mo bigay ko para may pangbili ka ng kakainin mo mamaya" Sabi niya kaya nagpasalamat ako kasi minsan lang din siya magbigay.
"Salamat po talaga" Ani ko at pumalit na sakanya.
"Ingat ka jan ah, alis na ako tapos na ang shift ko kasi nandiyan kana" Sabi niya kaya ito ulit ako mag isa
"Basta pag may kailangan ka wag kang mahiyang tumawag" Dag dag niya pa
Mabait siya sakin kasi ako yung pinakabunso nila rito na ka work kaya tinutulungan rin nila ako.
Ilang oras lang ang lumipas ay may narinig akong pumasok, nakatalikod kasi ako para ayusin yung uniform ko sa trabaho ng pagharap ko ay napatalon ako sa gulat ng makita kong sino ito .
To be continued.....