Mitch Villamor
We're here in the meeting room. Pinapatawag kami para sa preparation sa programa bukas. Ako nakatoka sa designs ng stage and table para sa mga bisita.
"We have a big and known guest tomorrow, he needs assistance para sa mga presentation ng kasama niya, ikaw Sir Villamor ang nakalagay doon."
"Okay, Ms. Cruz."
Wala akong problema doon at ako naman kasi ang may alam kung paano ayusin ang mga kailangan ayusin. But talking about 'Big and Known Guest' nakaka-curious lang kung sino.
"Good, I'm counting on you."
Principal said. Ako naman ay nagte-take note kung ano pa ang gagawin, mahirap na at makakalimutan ko pa bukas. Magsimula sa host and gamit na kailangan.
"Okay teachers, magsisimula tayo ngayon magaayos especially sa gymnasium kailangan nating ayusin ang stage. Mr. Villamor, handa na ba ang lettering and designs?"
"Handa na Ms. Cruz, kahapon pa po nagawa."
"Maaasahan ka talaga."
Ngumiti lang ako doon, ayaw ko lang kasi madelay ang programa lalo na at para naman ito sa mga kabataan to be aware about it.
Pagkatapos ng meeting bumalik ako sa classroom ko kung saan maiingay na naman ang mga anak ko. I treat them as mine, iyon ang role ko to be a second parent on them.
Pagkapasok ko ay dali-dali naman sila ng sibalikan sa kanilang seats, naalala ko ang mga panahon na highschool din kami ng mga barkada ko. Pasaway kami noon at may crush ako na noon na grade 6 at hanggang sa nag college ako but I didn't see him now iwan ko balita ko kasi Police kinuha non pero wala naman ang name niya sa mga list ng kapulisan na pumasa siya.
Simula nang magkaroon ako ng license ay nakalimutan ko na siya. Na wala na ang feelings ko sa kanya, sayang gwapo pa naman kaso babaero ngalang, matalino pero laman palagi ng guidance office.
"Good morning, sir!!"
Sabay nilang bati sa akin, I smiled genuine and inayos ang table ko.
"Everyone we don't have a class this afternoon, pero kung gusto niyo akong tulungan mamaya sa pagaayos ng gymnasium ay ikaakasaya ko iyon. And remember to study the lesson dahil the next day after the program may quiz tayo, para naman malaman ko kung may nakuha kayo sa mga pagtatalak ko dito sa gitna. Is that clear!?"
"Crystal Clear!!"
Sigaw nilang lahat pero nagpresenta na silang tulungan ako, that's my students, mas gugustuhin pang manirahan sa school dahil daw para na akong nanay sa kanila. They are grade 10 students and advisory ko din sila.
Habang naglalakad papuntang gym ay marami na namang tanong ang mga babae kong estudyante sa akin.
"Sir, ano po bang sabon gamit n'yo nakakainggit naman ang beauty mo, alam mo ba na akala ko babae ka no'n?"
"At isa pa Sir, alam mo bang may crush si Sir Bryant sayo? He said it sa amin in his class no'ng nagbibigay siya ng summative test."
At kung ano ano pang balita at kabaliwan ang kanilang sinasabi, hindi ako maninila ang tungkol kay Sir Bryant maliban na lang kung siya na ang nagsabi.
Oo gwapo naman si Bryant, boyfriend material na kung iisipin pero wala talaga akong nararamdaman towards him, siguro ayaw kong magmahal? Aamin nga kay crush noon wala an akong lakas pumasok pa kaya sa isang relasyon?
Nagsimula na kaming mag-ayos, ang iba kong estudyante ay alam nila mag design kasi tinuruan ko sila kapag nag-aayos ako tuwing may program ang iba naman ay nagwawalis ng paligid ng gym habang nagkukulitan at nag-uusap.
"Sir!! Si Sir Bryant nandidito!!"
Sigaw ng isang kong estudyante, napalingon naman ako sa gawing entrance ng gym. Nandoon nga siya nakatayo habang bukas ang dalawang butones ng kanyang pulo, he's handsome kung titignan.
"Na-fall ka na ba sa akin?"
Napakurap ako nang makita kong nasa harapan ko na siya, as if naman ma fall talaga ako. Alam ko naman straight siya at tinutukso lang ako.
"To tell you the truth. Hindi."
Saad ko at bumalik sa ginagawa kong pagdidikit ng mga tela. Minsan ina-assist ko ang mga boys sa pag-aayos, sila na daw kasi ang mag didikit sabi nila.
"Napaka hard mong mapa-ibig, alam mo yun?"
"Hindi, ngayon ko lang kasi nalaman na sinusubukan mo akong mapa-ibig, alam mo kaysa mag-aksaya ka ng oras sa akin ibaling mo na lang yan sa mga babaeng patay na patay sayo."
"Iyon na nga e, sa daming nagkarandapa sa akin ikaw lang ang hindi. I made everything I can to make you fall but wala talagang epekto."
Sabi niya, seryoso ba siya? Hindi ako babae para magkagusto sa kanya, bakla oo pero di ko siya type. Iba type ko.
"Sumuko ka na lang."
At bumalik sa inaayos kong letter, nakatalikod ako ngayon sa kanya.
"Sabihin mo, anong bagay ang magpapafall sayo?"
Pumwesto pa sa likuran ko kaya ramdam ko ang dibdib niya at ang umbok ng salawal niyang kumikiskis sa likuran ko. Naiilang ako kaya umalis ako sa pwesto ko para lumayo at ngumisi pa ang gago.
"Kung idadaan mo ako sa ganyan, Mr. William. Sinsabi ko tigilan mo na dahil wala kang mapapala."
"Well, hindi kasi ako ganon. I will make you mine, Mitch. Not now but soon. Bye babe."
At umalis humarap pa sa akin at nagflying kiss na ikinatili ng mga estudyante ko.
"Finish your work, dahil uuwi na kayo after nito."
Saad ko at bumalik sa kanilang ginagawa. I know he's a womanizer, hakata naman sa kilos at pananalita. After we finished decorating ay inayos ko muna ang mga gamit at kalat habang ang ibang estudyante ay papauwi na dahil maghahapon na
After kong maayos lahat ay nagsimula na akong maglakad para umuwi, walking distance lang naman ang bahay namin and extra exercise na rin ang paglalakad.
Hindi ko naman napansin na napalalim yata ang pag-iisip ko kaya may malakas na busina ang bumungad sa akin.
*BEEEEEEEEEEEP*
"AAAAAAAAAAH!!"
Sa gulat ko ay natapon ko pa ang bitbit kong libro. At galit na pinuntahan ang kotse na iyon.
"Hoy!! Lumabas ka!!"
Sabay kalabog sa kotse niya sa unahan, lumabas naman ito na nagsasalubong ang kilay, muntik pa akong akong mapatulala dahil sa gwapo niya at tangkad, nakasuot din ng police uniform, so police nga siya.
"Hey! What are you doing?"
"Diba ako dapat ang magtanong niyan? Nasa tabi ako ng daan at nagbubusina ka ng malakas?! Police ka ba talaga?"
"Can't you see it's already dark? And it's my job to check every corner of the road."
Gabi? Tumingin ako sa paligid, ganon na ba ako kalalim ang insiip ko para mapabagal ang paglalakad ko? Tinignan ko naman ang oras it's already 6:55. Bilis naman.
"Alas sais pa ng hapon, nagiikot ka na? Ano to? Nagbago na ang curfew? Umalis ka nga dyan."
Saad ko at pinulot ang mga gamit na nakakalat sa daan, he helps me to pick it up mga libro, lesson plan ko at mga reports ng mga estudyante ko.
"So, you're a teacher."
Napangisi pa ito sa nalaman niya. Anong nakakatawa sa pagiging huro?
"Masaya? Tandaan mo wala ka sa posisyon mo kung di dahil sa mga guro. Akin na nga yan, salamat sa lahat lahat. Nakakainis."
At hinila ang libro ko sa kanya, saka ako nagmadaling tumalikod ay lumakad.
"Baliw na pulis yun, gwapo nga, matangkad ubod naman ng pagkabaliw. Ang aga magronda."
Bulong ko lang sa sarili ko, nakarating ako sa bahay na may ngiti para naman isipin nila na good mood ako.
To be continued...