Kanina pa nakatitig ang mga mata ni Ycel sa pintuan. Hindi pa man siya makagulapay at makakilos nang maayos ay hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na hintayin ang pagdating ng kanyang asawa. Alam niya na patungo na ito doon dahil sa napagkasunduan nilang dalawa ng hipag niyang si Aleigh. Susunduin niya ito at gagawa siya ng paraan upang mapapunta doon si Froylan. Pumayag siya na bago manganak ay lumuwas na upang sa city iluwal ang kanilang pangatlong anak. Ang nais niya sana ay ang manatili sa villa, pero tinutulan iyon ng kanyang mga magulang at maging ng mga biyenan. Delikado ang nais niya sa kanila. “Delikado iyang nais mong mangyari Ycel, maano bang sa city ka na umanak? Huwag mong i-risk ang buhay niyong mag-ina.” giit ni Felia na alam niyang nag-aalala lang naman sa kalagayan ni
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


