Umalingawngaw ang palakpakan ang hiyawan sa buong silid.... " Congratulations Atty. Andrade... Hindi talaga ako nagkamali ng pagpili na ikaw ang humawak ng kaso" Bati ng medyo may edad na na senador. " Thank you for the trust Mr. Senator" Nakangiting wika ni Raphael. " Don't call me Mr. Senator... remember I will be one of your ninongs.. So papano see you next week sa kasal mo!! Take a rest na.. tapos na ang mga stressful weeks. " Nakangiti din Pahayag ng senador " Thank you po ninong. Mauna na po ako.. sasamahan ko pang mag fit ng gown si Misis" Masayang paalam ni Raphael. " Sige.. sige... Regards kay Lyna. Ingat.. ingat.." Nagmamadaling lumabas si Raphael. Hindi na nya namalayan ang madilim at matalim na tingin ng isang tao na nasa loob lang din ng silid na tahimik lang na nakama

