" Raphael, ikaw ang mag preside ng meeting kami ang susundo kila Lyna" Wika ni Don Rodolfo. "Pero pa, ako ang tatay so ako ang susundo sa mag ina ko" Sagot naman ni Raphael. " Exactly.. Tatay ka lang ako ang lolo at ang mama mo ang lola. So hindi mo na kailangan makipagtalo. Ikaw ang maiwan dito para sa meeting. Kami ang susundo" Mariin na sagot ni Don Rodolfo. Kaya wala ng nagawa pa si Raphael. " Anong oras ang dating nila?Tanong ng kanyang ama. ." 6 pm arrival Terminal 3" Sagot naman ni Raphael. " Ok. ikaw na bahala sa meeting. Mauna na ako at dadaanan ko pa sa bahay ang mama mo. Dederecho na kami sa airport." Wika ni Don Rodolfo tsaka tuluyan ng lumabas ng kanyang opisina. Pabagsak na naupo si Raphael sa kanyang swivel chair. Wala talaga syang panalo sa ama.Hindi nya din masisi it

