Napabalikwas si Raphael ng tumunog ang kanyang cellphone. Nakatulog pala sya sa paghihintay. " I'm here na" Tinig ng isang babae. Mabilis na inabante ni Raphael ang sasakyan. Namataan nya kaagad ito na nakatayo sa gilid. Bagay na bagay dito ang balingkinitang pangangatawan. Blonde na buhok na umabot hanggang ilalim ng kili kili. makinis at maputi din ang balat. Sa hubog ng katawan nito, hindi pwedeng hindi ka mapapalingon kung masalubong mo sya. Nakangiti pa si Raphael habang pinagmamasdan ito sa malayo. Napapailing pa sya dahil may mangilan ngilan na lalaking dumadaan ay napapalingon dito. Huminto sya sa tapat nito at bumaba. Nakangiti nyang sinalubong ito at hinalikan pa sa pisngi. " Ang tagal mo naman" Sabi pa nito. " Sorry Medyo matraffic" Inalalayan nya pa itong makasakay sa s

