Hindi naman nakaligtas sa mapanuring tingin ni Glenda ang reaksyon ni Lyna at Raphael sa isa't isa..
" Ano bang meron kay Atty. Andrade at pinamumulahan ng mukha si Lyna? Ano din kayang meron kay Lyna at sa tagal ko ng kliyente etong abogado na ito ngayon ko lang nakita na ganito ka excited at kasaya ito" Pag iisip ni Glenda habang lipat lipat ang tingin nya kay Atty. Andrade at kay Lyna.
" Oh by the way Glenda. Thank you so much for your big help. Sobrang nagustuhan ko yung mga furniture. specially the bed and dining table" Nakangiting bulalas ni Raphael kay Glenda.
Halos atakihin naman si Lyna sa mga pinagsasabi ni Raphael.
" Oh really Atty. Hmm. I'm glad that you like it" Nakangiti ding sagot ni Glenda.
Hindi naman sinasadya na mahulog ang nakapatong na table napkin sa lap ni Glenda kaya yumuko ito upang pulutin.
Halos manlaki ang kanyang dalawang mata ng makita na sa ilalim ng table ay ang magkahawak kamay na sila Atty. Andrade at Lyna.
Mukha namang hindi sya napansin ng dalawa.
" Buti pala Atty. nag repeat order ka sa amin ng mga furniture mo sa condo. Saad ni Glenda.
" Ah yes. subok ko na yung gawa ninyo. Lalo na yung bagong deliver nyo, sabi ko nga, I really love the bed & dining. Talagang matibay. Actually sinubukan ko na yung bed nung nakaraan tapos yung dining kanina ginamit ko na. talaga palang matibay. Tumawa pa ito ng nakakaloko at sinabayan pa ni Glenda.
" Atty. Andrade if you don't mind are you married? Pag uusisa ni Glenda, gusto nyang matuldukan ang kutob niya na may namamagitan sa kanila ni Lyna.
" Seriously... Wife wala.. But I do have girlfriend" Nakangiting sagot nito.
Gusto ng lumubog ni Lyna sa kaniyang kinauupuan. Halos nanlalamig na ang buo nyang katawan.
" Ahh.. Sorry Atty. Andrade ha, sa tagal ka na din kasing kliyente ng kumpanya I never see you with your girlfriend. Tsaka baka bigla nya tayong makita dito na magkakasama magalit" Pahapyaw na Sagot naman ni Glenda.
" No it's ok Glenda. Masyado kasing private yung girlfriend ko kaya hindi ko pa mapakilala sa ibang kakilala. Don't worry hindi naman selosa yun." Nakangiti ding pahayag ni Raphael kay Glenda habang hinahaplos pa ang kanyang kamay.
Matulin na lumipas ang mga oras nila sa coffee shop maya maya pa ay una ng nagpaalam si Raphael.
"Glenda Thanks for the time and accepting my invitation to have coffee with you and these beautiful ladies." Pahayag ni Raphael kay Glenda tsaka nag umpisa ng tumayo.
" Yes naman Atty. Andrade. Till next time. Thanks for the coffee and for the chitchat .Sagot ni Glenda at marahan pang tinapik si Raphael sa balikat.
Lumabas na si Raphael ng coffee shop ngunit naiwan pa din silang tatlo. Animo'y nagpapakirandaman.
Si Glenda ang unang nagsalita.
" Leyn after mo dito saan ka?" Tanong nito sa kanya.
" Ah, baka bumalik na po ako sa condo ni Rap.... sa condo ng boyfriend ko" Sagot nya na halos magkabuhol buhol ang letra dahil muntik na nyang masabi ang pangalan ni Raphael.
" Ma'am Leyn may boyfriend ka dito sa Manila? "Gulat na tanong ni Lovela.
Napangiti lang sya kay Lovela at tumango bilang tugon sa tanong nito
" Saan dito sa Manila yung condo nya? Muling tanong ni Glenda sa kanya. Animo'y kumukuha ng impormasyon.
" Sa Makati po mga 30 minutes away lang din dito" Sagot nya.
" Ah Talaga... Uy si Atty Andrade dito din sa Makati yung condo nya kung saan tayo nagdeliver. Malapit lang din dito. Baka pareho lang sila ng condo building ng boyfriend mo" Nakangiting pahayag ni Glenda na nakatingin direcho sa kanya.
Halos gustong bumalik ng mga ininom nyang kape sa pahayag ni Glenda.
" You can invite him tomorrow for dinner. Para makilala naman namin sya" Dagdag pa ni Glenda.
" Ah sige ma'am sabihan ko sya" Tanging naisagot nya.
"Pag nagpatuloy pang magtanong si ma'am Glen baka mapaamin na ako nito". sigaw ng isip nya.
" Ah ma'am Glen Lovela mauna na ako. May bibilin pa kasi ako" Paalam nya dito tsaka sya tumayo.
Halos gusto na nyang takbuhin ang palabas ng mall para makaalis na sa paningin ni Glenda.
Nagmamadali syang sumakay ng kanyang sasakyan.
Maya- maya pa ay may sunud-sunod na katok sa bintana ng kanyang sasakyan na kanyang kinagulat.... Si Raphael.
" I'm sorry babe namiss kita kaya sinundan kita dito sabi mo kasi magkakape ka." Pahayag nito sa kanya.
Tuluyan na syang bumaba ng sasakyan.
" Babe.. halos atakihin ako sa puso sa ginawa mo.. akala ko talaga malalaman na ni ma'am Glen" Pag aalalang sagot nya.
" And so??? I think there's nothing wrong with that. We're both single right?" Wika nito habang naka pamaywang.
" It's not that babe... Baka kasi maging komplikado lalo na kliyente ka namin. Ayokong naging malaking issue" Malungkot nyang sagot dito
" Ok... I'm sorry di ko na uulitin. Sabay nalang tayong umuwi. Pa drive mo nalang kay Mario yung car mo please" Pag susumamo nito sa kanya.
Wala na naman syang magawa kaya pumayag sya sa gusto nito.
Lumipat sya sa sasakyan nito at hinayaan si Mario ang mag drive ng sasakyan nya pabalik sa condo.
Pag akyat nya sa sasakyan ni Raphael, kaagad inabot nito ang bouquet of red roses sa kanya.
" I love you everyday Lyna babe" Bulong nito sa kanya.
Halos tumatalon ang puso nya sa tuwa... Kaya ginawaran nya ito ng mabining halik sa labi.
" Ang sarap ng kape" Nakangiting biro nito sa kanya.
Hampas sa hita ang itinugon nya dito.
Pag akyat sa condo unit ni Raphael;
" Babe ako na ang magluluto for our dinner" Malambing na wika nito sa kanya.
"Seryoso??? marunong kang magluto babe? Tanong nya dito.
" Of course. Lalo mo kong mamahalin kapag natikman mo yung iluluto ko. Biro nito sa kanya.
Natawa naman sya sa sinabi ng kasintahan.
" Maupo ka na dyan sa dining panoorin mo ako magluto para may inspirasyon ako" Birong muli ni Raphael.
Sumunod naman sya sa gusto ng kasintahan. Pinagmamasdan nya ang bawat kilos nito sa kusina.
Nagtanggal lang ito ng coat at kurbata tsaka nag suot ng apron upang di marunihan ang suot pa din na long sleeves polo.
" Lord sana hindi sya magbago.. Kung bibigyan nyo po ako ng makakasama habang buhay sana si Raphael na talaga" Usal nya habang matyagang naghihintay dito.
Naaamoy na nya ang niluluto nitong steak. Ang bango kasing amoy ng nga pagkain sa mamahaling restaurant.
Hindi sya makatiis. Masyado syang naiintriga sa niluluto ng kasintahan. Kaya lumapit sya dito.
" Hmmm babe kanino ka natutong magluto?" Tanong nya ng makalapit.
Bahagya muna syang nilingon ni Raphael habang binibiling biling ang karne.
" Kay mama. It's been a long time nung huli akong nagluto" Sagot nito sa kanya.
Kumuha si Raphael ng kutsara tsaka sumandok ng kaunti sa nakasalang na sauce. Bahagya nya pang inihipan bago isinubo sa kanya.
" How is it?" Tanong nito
" Hmmm ang sarap babe" Nakangiti nyang sagot.
Hinagkan pa sya sa labi ni Raphael tsaka nakangiting nagwika.
"Mas masarap ka pa din" sabay kindat sa kanya.
" Get back to your seat i se serve ko na ito" Utos sa kanya ni Raphael.
Bumalik sya sa dining at matamang pinagmamasdan ang ginagawa ng nobyo habang isa isang inaayos ang mga gamit na gagamitin nila sa pagkain.
Naglabas din ito ng wine.
Inilapag na din ni Raphael ang kanyang niluto.
Pakiramdam talaga ni Lyna ay nasa mamahalin syang restaurant sa pagkaka present ng pagkain.
" Let's eat babe" Wika ni Raphael sa kanya.
Akma na sanang mag slice si Raphael ng steak ng pinigilan sya ni Lyna.
" Babe, let's pray first" Wika nito.
Nagsimula ng mag sign of the cross si Lyna kaya sumunod na din si Raphael.
Matamang nakapikit si Lyna habang umuusal ng dasal. Si Raphael naman ay nakangiting nakatingin lang sa kasintahan.
" I'm lucky to have you Lyna, I'm sorry but I'm not ready to marry you" Sa isip ni Raphael.
Nang matapos, nakangiting tiningnan ni Lyna si Raphael at hinaplos sa kamay.
" Thank you for the food babe, Kain na tayo? Wika ni Lyna.
Nag slice ng maliit na part ng steak si Raphael tsaka isinubo kay Lyna.
Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng magsalita si Raphael.
" Babe, I have a question"
" Yes? Ano?" Tugon na tanong ni Lyna.
" Kapag ba nalaman ni Glenda na ako yung boyfriend may possibility ba na tanggalin ka nya sa work? Direktang tanong ni Raphael.
" To be honest I am not sure. Pero syempre I respect ma'am Glen kasi" Sagot naman ni Lyna.
Patuloy sa pagkain si Raphael habang patuloy din ang panaka nakang pag tatanong nito sa kanya.
" Babe... I know nasabi ko na sayo before na I am not yet ready for another married life again." Seryosong wika ni Raphael.
" Yes. Don't worry babe I understand. hindi ko naman ipipilit kung ayaw mo talaga." Sagot naman ni Lyna na bahagyang pinapasigla ang boses ngunit may kirot sa kaibuturan ng kanyang puso.
" Babe... Mag live in tayo." Walang gatol na saad ni Raphael sa kanya.
Halos bumalik sa ilong ni Lyna ang iniinom na wine ng marinig ang tinuran ng kasintahan. Hindi nya maiwasang masamid at ubuhin.
" Babe are you ok?" Pag aalalang tanong ni Raphael habang napatayo pa ito at alalayan sya dahil hindi nya mapigilan na ubuhin.
" Yes babe... ok lang.. Ano ulit sinabi mo?"Tanong ni Lyna ng makabawi.
"Mag live in tayo babe.. Let's try. A... I Know sobrang bilis ng mga nagyari. I love you. Gusto ko lagi kitang kasama. Gusto ko pag uuwi ako galing opisina andito ka.Hayaan mong ako ang mag alaga sayo babe" Seryosong pahayag ni Raphael.
Hindi makakibo si Lyna. hindi nya alam kung ano ang kailangan nyang isagot kay Raphael.
" Ako mismo ang kakausap kay Glenda kung kailangan" Dugtong pa nito.
Sa wakas ay nagkaroon ng lakas ng loob si Lyna na magsalita.
" Babe, what if hindi mag work? I mean what if ma realize mo na..." Hindi pa natapos ni Lyna ang sasabihin ng muling magsalita si Raphael.
" It will babe... Just give me time. Promise... Hindi pa ngayon pero darating din yung time na ihaharap kita kahit saang simbahan." May lungkot din sa mata ni Raphael habang sinasabi ito kay Lyna.
" I will arrange dinner with my parents. Ipapakilala na kita sa kanila. Then Let's arrange meeting with your boss Glenda" Patuloy na saad ni Raphael habang hawak pa ang kamay niya.
" Babe.. bigyan mo din ako ng time maka pag isip ok." Sagot ni Lyna.
Natapos ang kanilang hapunan na tahimik lamang si Lyna.
Magkatuwang silang nilinis ang kanilang pinagkainan at ang lamesa.
Pagkatapos ay nauna ng maglinis ng katawan si Lyna at nagpalit ng pantulog.
Sumunod naman si Raphael.
Pagkatapos ay magkatabi silang nakahiga sa kama ngunit wala pa ding imikan ngunit magkayakap sa isa't isa.
" Mahal kita Lyna pero ayokong maging unfair sayo. Please give me time hanggang makabawi ako sa lahat lahat. Ayokong biglain ka at sa huli ay malaman mo na napakalaki ng kasalanan ko sayo at sa mga magulang mo" Sa isip ni Raphael.
" Kaya kong maghintay Raphael kahit gaano katagal. Basta sa huli ako lang sana ang gusto mong makasama higit sa lahat" Sigaw ng utak ni Lyna.
Kinabukasan maagang nagising si Lyna. wala na sa kanyang tabi si Raphael.
Lumabas sya ng kwarto at natagpuan si Raphael na nag luluto ng almusal.
Lumapit sa kanya ito at marahan siyang hinalikan sa labi.
" Good morning my Lyna babe. I love you" wika nito at muli na namang syang hinalikan tsaka binalikan ang kanyang niluluto.
Naupo si Lyna sa dining at matamang pinagmasdan ang kasintahan habang nakayakap ang mga braso sa kanyang mga hita..
"Anong niluluto mo babe??" Tanong nya sa antok na boses.
Pinatay muna nito ang kalan at muling lumapit sa kanya.
Giniya sya nito patayo tsaka mahigpit na yinakap..
" Corned beef & bacon. bigla akong bag crave eh" Sagot nito sa kanya habang mahigpit pa din nakayakap sa kanya.
" Sleepy ka pa? Maaga meeting mo today?" Tanong nito.
" Yes babe. 9 am meeting ko today gustong matapos ng client yung presentation para finalization nalang kami bukas" Sagot nya habang nakayakap din kay Raphael at bahagya pang naka pikit.
" Let's eat na, baka malate ka pa" malambing na wika ni Raphael sa kanya.
Mabilis silang kumain ng agahan at nag prepare na ng pag pasok. Sabay din silang lumabas ng unit at bumaba sa parking area.
Katulad kahapon, hinatid muli ni Raphael si Lyna sa sasakyan nito na naka park hindi kalayuan sa elevator.
Lumakad na pabalik si Rapahel sa sasakyan ng tawagin syang muli ni Lyna.
" Babe"
Lumakad pabalik si Raphael sa kanya sa pag aakalang may kailangan sya.
" What's wrong babe?" Tanong nito ng may pag aalala sa boses.
Buong tamis na hinalikan ni Lyna si Raphael sa labi.
" I love you babe. Ingat ka" Wika nya sabay sakay ng sasakyan.
Malapad ang ngiti ni Raphael na kumaway pa sa kanya ng umabante ang kanyang sasakyan.
Buong araw na busy pareho sila Lyna at Raphael sa kani-kanilang trabaho.
Alas singko na ng mapansin ni Raphael ang oras. Sinibukan nyang tawagan si Lyna ngunit hindi ito sumasagot.
" Busy siguro" sa isip nya.
Pasado alas singko na ng matapos sila Lyna sa site. Halos buong maghapon din nagbantay sa site si Donya Ramona.
Nag aayos na ng gamit sila Lyna at naghahanda na sa paguwi ng lapitan sila ng matandang donya.
" Excuse me ladies.." Pukaw nito sa kanila at sabay sabay naman silang napalingon sa kinatatayuan nito.
" I am very much happy with your presentation. Sana kasing ganda din ng mga pinresent nyo ang kalalabasan sa actual." Nakangiting pahayag nito sa kanila at sinuklian naman din nila ng matamis na ngiti.
" By the way, I would like to invite you tomorrow. Nag paready ako ng dinner. It's a sign of our strong partnership. No buts.... Gusto ko andoon kayo lahat ok?"
Nakangiti naman si Glenda na sumangayon sa hiling ng matandang donya.
Para namang narinig ni Lyna si Raphael sa tinuran ng donya. Yung tipong nakapag desisyon na sya kaya bawal ng tumaggi.
" Shucks... tama si Raphael, hindi ko pa sya na message mula ng maghiwalay kami kanina sa condo" Isip ni Lyna. Kinapa nya ang cellphone sa bulsa ng handbag na dala nya.
10 missed calls. napapalatak na lamang si Lyna ng makita ang mga missed calls ng nobyo.
Ilang saglit pa ay nagpaalam na ang matandang donya.
" Leyn, Lovela just wear semi formal nalang bukas para sa dinner. Ayoko naman tanggihan si Donya Ramona lalo na't first project natin ito sa kanya." Pahayag ni Glenda sa kanila.
Tumango lang sila pareho ni Lovela tanda ng pag sang ayon.
Ng makalabas ng gusali, dinaial ni Lyna ang number ni Raphael.
" Hi Babe... Tapos na kayo?" Bungad ni Raphael ng sagutin ang kanyang tawag.
" Ah yes babe. Halos kakatapos lang. How about you?" Sagot nya sa kasintahan.
" Ah yes.. I'm just waiting for your call." Sagot naman. ni Raphael.
" Sorry babe sobrang busy kanina" Muling paliwanag nya.
" Pauwi ka na? Sabay na tayo" Wika pa ni Raphael sa kabilang linya.
" Ah may bibilhin lang ako babe tapos pabalik na din ako ng condo." Sagot nya dito.
" Saan? Samahan na kita" Muling wika nito.
" Ah sa mall lang babe. May dinner kasi kami tomorrow night with our client, wala akong baon na semi formal dress kaya kailangan kong bumili." Paliwanag nya sa kasintahan.
" Ok tulungan na kita. Let's meet in Rockwell. See you I love you" Mabilis na sagot nito sabay patay ng cellphone. Hindi man lang sya binigyan ng pagkakataon na sumagot. Wala na syang nagawa kundi pindutin sa map locator ng kanyang cellphone ang Rockwell dahil hindi nya masyadong kabisado ang lugar.
Nang ma pin sa map..
" 20 mins driving lang pala kung walang traffic" usal ni Lyna sa sarili tsaka pinaabante na ang sasakyan.
Mula sa pila ng traffic natanaw na nya ang entrance. Yun lang hindi nya alam kung saan ang parking.
Pagtapat nya sa gwardiya ng mall, tinanong nya kaagad ang parking area na mabilis naman itinuro sa kanya.
Pag ikot nya sa unang kanto ng parking area, nakita nya si Mang Berto na kumakaway sa kanya.
" Pambihira talaga tong Raphael na ito" Natatawang nasambit nya sa sarili.
Lumapit agad sya sa itinuturong parking space ng matandang driver, katabi ang sasakyan nito.
Ng makapag park, kaagad syang kinatok ni Raphael.
" How's driving in Manila traffic?" Nakangiting pambubusit na naman nito sa kanya.
Pinalo lang nya ito sa braso.
" Babe, can I hold your hands?" Paalam pa nito sa kanya.
Nag aalangan man ay iniabot nya ang kanyang kamay dito.
" Babe, baka may makakita sa atin" Pag aaalala pa din nyang wika kay Raphael.
" And so.. hindi mo naman ako kabit, lalong hindi kita kabit" Sarkastikong sagot nito sa kanya. Habang mahigpit itong naka holding hands akala mo naman tatakas sya.
Pagpasok sa mall may ilan ilan na nakatingin sa kanila ni Raphael. Medyo naiilang sya. Simpleng maong pants at white loose long sleeves na bahagyang nakatiklop at tinernuhan nya ng pointed flat shoes ang kanyang suot.
Naramdaman marahil ni Raphael ang pagka ilang nya sa paligid.
" Don't worry babe.. You looked much expensive than them" Nakangiting saad nito sa kanya.
Pumasok sila sa isang kilalang brand ng mamahaling damit.
" Babe.. Wag dito baka mahal masyado" Bulong nya sa kasintahan.
" Who cares? I'll pay" Mariing sagot nito.
Biglang lumapit sa kanila ang babaeng sales lady.
" Hi ma'am.. For what occasion ma'am?" Mabining tanong nito sa kanya.
" Ah yes. I'm just looking for a semi formal dress. More simple please" Sagot naman nya.
" Alright ma'am. This way please" Turo ng sales lady na nag a assist sa kanya habang si Raphael naman ay naupo sa isang bench malapit sa fitting room.
5 Magagandang simple dress ang agad inabot sa kanya ng sales lady para isukat.
Isa isa nyang sinukat ang mga damit habang pinapakita kay Raphael, gusto nyang makuha ang opinyon ng kasintahan kung bagay ba sa kanya o hindi.
Sa limang sinukat nya puro ok lang ang sagot nito. Hindi nya alam kung ok ba na bagay sa kanya o ok na pwede na.
"Kukunin namin lahat" Wika ni Raphael sa sales lady habang bitbit ang mga damit na sinukat ni Lyna. Tsaka dumerecho sa counter.
Iniabot nya ang credit card sa cashier.
Pag labas ni Lyna sa fitting room, naulinigan nya ang ibang sales lady na nagbubulungan.
" Ang swerte naman ng asawa ni sir, bukod sa hot na mayaman pa. Binili nya lahat ng sinukat ni ma'am" Habang nakatingin pa ang isa sa nag assist sa kanya.
Hindi alam ni Lyna kung maiinis o matutuwa sya sa narinig na bulungan ng mga cashier lalo na't napagkamalan silang mag asawa.
Si Raphael naman ay naghihintay malapit sa pinto ng boutique bitbit ang mga paper bags.
Humawak sya sa braso ni Raphael at bumulong;
" Babe bakit binili mo lahat? anong gagawin ko dyan?"
" Don't worry babe madaming mga dinner ang aattendan mo in the future kaya magagamit mo yan" Sabay kindat ni Raphael.
Gabi na ng makauwi sila sa condo. Pagkatapos mamili, nag aya pang kumain sa labas si Raphael.
Pagkatapos magpahinga, sabay na naligo ang dalawa. Hindi pa din nakaligtas si Lyna sa tinik ni Raphael. Kung hindi mo alam na magkasintahan lang sila iisipin mo talaga na magasawa na sila.
Nakahiga, Magkayakap at parehong walang saplot ang dalawa pagkatapos ng mainit na pagniniig.
" Babe... " Tawag ni Lyna kay Raphael na kasalukuyang nagpapaantok habang nilalaro laro ang kanyang braso.
" Hmmm?" Sagot naman nito.
" Kung mag li live in tayo gusto ko pa din magtrabaho" Lahad ni Lyna.
" Do whatever you want babe, Hindi kita pipigilan kung anong gusto mo sa career mo. Basta gusto ko masaya ka sa bawat gagawin mo syempre dapat kasama ako sa buhay mo." Sagot ni Raphael sa kanya.
" Ibig sabihin ba payag kana? " Dugtong pa ni Raphael na umibabaw pa sa kanya.
Malapad ang ngiti nya at tumango sya bilang tugon. " Pagbalik namin sa Pampanga kakusapin ko si ma'am Glen"
" God babe, hindi mo alam kung gaano mo ko ako pinasaya. I will arrange meeting with my parents para makilala mo sila. Promise babe, just give me time pakakasalan din kita" Wika ni Raphael at siniil sya ng halik. Nag init na naman pareho ang kanilang pakiramdam at ilang saglit pa ay sabay na nilang narating ang rurok ng kaligayahan.
Kinabukasan, Mas naunang umalis ng condo si Lyna maagang nagpatawag ng meeting si Donya Ramona dahil huling araw nila ngayon ng pag o ocular sa bagong hotel.
Habang nag hahanda sa pag pasok sa opisina, Naisipang i video call ni Raphael ang kakambal na si Raymond na agad naman na sinagot nito.
" What?? Bored ka no? Sarkastikong bungad nito sa kanya.
" Hahaha Of course not.. I just want to check you. You're still my twin bro Raymond" Sagot niya sa kakambal.
" Tseeee, don't call me Raymond it's me Rafaella Ramona Andrade Smith" Umirap pa ito sa kanya.
Lalong lumakas ang tawa ni Raphael, gustong gusto nya talagang binubuska ang kakambal. Alam na nya noong bata pa sila na kakaiba at pusong babae ang kakambal nya na ito.
" How dare you to used my name and mama's name.." Pambubuska pa din nya sa kakambal.
" By the way how's Neil? seryosong tanong niya. Si Neil ang partner ng kakambal na nasa ibang bansa. Sumasailalim ito sa seryosong gamutan dahil sa sakit na Lung Cancer.
" Hmmmm nothing's change Raph. Gusto na nyang sumuko, ako nalang ang pumipilit na ituloy namin ang gamutan." Malungkot na sagot ng kakambal.
" I'm just hoping na malampasan nyo yan" Pahayag ni Raphael.
Matapos ang kamustahan at pambubuska sa kakambal, bumaba ng ng unit si Raphael.
Matulin na lumipas ang oras. Alas tres ng hapon ng maghiwahiwalay sila Lyna, Glenda at Lovela.
Napagkasunduan nila na sa mismong bahay nalang ni Donya Ramona sila magkikita kita.
Nakabalik na si Lyna ng condo ni Raphael kaya naisipan nya itong tawagan.
" Hello babe. nakabalik na ako ng condo" Bungad nya sa kasintahan.
" Alright babe. Anong oras ka aalis? Gusto mo ipahatid kita?" Panghihikayat ni Raphael sa kanya.
" 6pm siguro babe chineck ko naman sa map yung lugar malapit lang dito.No need na babe, kaya ko naman mag drive mag isa" Sagot nya sa alok ng kasintahan.
" Ok.Magkita nalang tayo sa condo mamaya. Baka mag dinner na din ako sa bahay tumawag si mama may mga bisita sila ni papa" Pahayag ni Raphael.
" Ok sige babe, tatawagan kita pag natapos na kami" Sagot niya sa kasintahan
" Alright.. I love you. ingat ka sa pagdadrive" Pahabol pa nito.
" I love you too babe" Sagot niya.
" I love you more" Pangungulit ni Rapahel habang rinig pa nya ang pagtawa nito.
" Babe...." Pagmamaktol nya.
" Hahahhaha ok sige na I love you everyday my Lyna babe" Muling pahabol nito bago pinatay ang tawag.
Nagpahinga si Lyna ng bahagya bago naligo at mag prepara.
Pasado ala sais ng gabi ng matapos si Lyna. Sinisipat sipat pa nya ang kanyang itsura sa salamin. Nagpahatid lang sya ng manipis na make up sa mukha.
Eksaktong 6:30 ng gabi ng palabas na ang kanyang sasakyan sa building. chineck nya ulit ang mapa sa cellphone 5 minutes before 7 sya makakarating sa area.
" Atleast on time lang" wika nya sa sarili.
Pagdating nya sa gate ng exclusive subdivision, pinara sya nga guard.
" Good evening ma'am saan po tayo" Bungad nito sa kanya pag baba nya ng bintana.
" Good evening po. Pinakita nya ang address na naka save sa kanyang cellphone.
" Itabi lang muna natin dito sa gilid ma'am. Pahiram po ng ID" Muling wika ng guard.
Agad naman tumalima si Lyna at iniabot ang kanyang ID bago tumabi sa gilid.
" Hayyyy grabe ganito pala sa mga executive subdivision dito sa Manila ang higpit bago ka makapasok" Wika nya sa sarili.
Ilang saglit pa at linapitan na sya ng guard at itinuro ang daan.
Madaming pasikot sikot sa subdivision nila Donya Ramona. Talagang mayayaman ang nakatira dahil mansion lahat ng nadaaanan nyang bahay.
Nagpapahinga sa veranda ng kanyang kwarto sa mansion si Raphael habang lumalagok ng alak. Napansin nya ang dalawang babae na bisita ng ina. Medyo malayo ang mga ito kaya hindi nya makita ang mga mukha nito. Pero kitang kita nya kung paano hinagkan ng isang babae ang isa pang babae.
" Tsk" Palatak ni Raphael.
Naputol ang kanyang panonood ng may kumatok. Ang kanyang ina.
" Raphael hijo, darating ba ang girlfriend mo ngayon? Nakangiting Tanong nito sa kanya at naupo pa sa gilid ng kanyang kama.
" Nope.. She needs to attend other meetings tonight. I will set tomorrow ma" Nakangiti din nyang sagot sa ina.
" Alright. I want to meet her and personally say thank you. You're better than before hijo. I'm so happy" Wika pa ni Donya Ramona sa kanya tsaka sya hinagod sa likod.
" Ma. nagkausap pala kami ni Raymond. Neil is in very bad shape" Malungkot nyang balita sa ina.
Napabuntung hininga ito bago sumagot.
" I will convince your papa to talk to him. Whatever happen to Neil, gusto ko umuwi na lang sya dito" Malungkot na sagot ng donya.
Tumango- tango lang si Raphael sa tinuran ng ina.
" By the way ma I just want to inform you... Inaya ko ng mag live in si Lyna" Saad ni Raphael ngunit hindi sya makatingin sa ina.
" God gracious Raphael... Nasa edad na kayo tapos live in? Bakit hindi kasal?"
" Ma.. pakakasalan ko din naman sya but not too soon. I just need to arrange very important matter" Paliwanag nya sa ina
" Ikaw ang bahala. Tandaan mo Raphael tumatanda ka na. I want to see my grand children before I die. My goodness" Pagsesermon ng donya sa kanya.
Naputol ang kanilang pag uusap ng kumatok ang isang katulong.
" Donya Ramona, kumpleto na po ang mga bisita nyo naghihintay na po sa baba.
" Ok sige baba na ako" sagot ng donya.
" Sumunod ka na din Raphael puro ka alak. Baka isipin ng mga bisita ko lasenggero ka" Patuloy na pagsesermon ng ina kay Raphael bago ito lumabas ng kanyang silid.
Pagbaba ni Donya Raphael naulinigan nya ang masayang tawanan sa sala ng mga bisita kabilang ang kanyang asawa na si Don Rodolfo. Talagang magiliw makitungo ang kanyang asawa sa ibang tao, para sa kanya kaibigan ang mga ito.
Malapad ang ngiti na lumapit sya sa mga ito.
" Good evening ladies.. Nakakataba ng puso at nakarating kayo lahat." Nakangiting bati ng donya sa grupo nila Lyna.
" And you all looked stunning tonight. Ang gaganda nyo lahat. Maganda na kayo dati mas maganda pa kayo ngayon. Lalo ka na Ms. Dizon" Dagdag pa nito.
" Thank you po Donya Ramona" Nakangiting tugon ni Lyna.
" Yeah that's true. Kaya nga tinatanong ko sa kanila sino pang single ipapakasal ko na kaagad bukas sa anak mo" Biro ni Don Rodolfo at sabay sabay silang nagtawanan.
" O hindi ko na kayo ipapakilala sa asawa ko at siguradong nauna na nyang ipakilala ang sarili nya." Nakangiti pa ding pahayag ng donya.
Biglang may nagsalita na baritong boses mula sa kanilang likod. Boses na pamilyar sa pandinig ni Lyna.
" Ma" Tawag ni Raphael sa ina. Nakatayo sya sa likod ng mga bisita kung kaya ang mga ito ay sabay sabay napalingon.......