Mabilis na lumipas ang mga araw na nasa Pilipinas sila Lyna. Habang abala si Raphael sa kanyang trabaho, inasikaso at naisingit pa din nito ang pag sasaayos ng mga legal papers ni Rocket. Samatala, pumayag naman si Ella na mag stay na sa Pilipinas si Lyna para paghandaan ang kasal nito sa kakambal. Ngunit, nanghingi ito ng isang linggo upang magbalik sa Singapore si Lyna at ayusin ang nga naiwang trabaho nito. Ayaw man ni Raphael ay wala naman itong nagawa. Si Rocket ay maiiwan na sa Pilipinas habang si Lyna ay babalik ng Singapore upang ayusin ang pag turn over ng mga maiiwan nyang trabaho. " Mama how long is one week?" Tanong ni Rocket habang nakahawak sa kamay ni Lyna pababa ng hagdan ng mansyon. " Hmmmm You just need to sleep seven nights, then when you wake up I am already here b

