Drake Jordan Delgado's POV Nainip na ko ang tagal naman ng my labs ko lumabas, halos hindi na nga lumubay ang paningin ko sa pinto ng banyo hanggang sa nakita ko na bahagyang gumalaw ang doorknob. Sa hindi malamang dahilan ay may pumasok na na kapilyuhan sa isipan ko. Alam kong palabas na siya kaya nagmadali ako sa paghiga sa kama at ipinikit ko ang aking mga mata. Narinig ko na parang dahan-dahan pa ang ginagawa niyang pagbukas ng pinto hanggang sa maisara na niya ito at naramdaman ko ang yabag ng mga paa niyang papalapit sa akin. Kahit nakapikit ako ay nararamdaman ko na tahimik siyang pinagmamasdan ako'ng natutulog hanggang sa ilang saglit pa ay nagpasya na akong imulat ang aking mga mata sabay bangon at yapos sa kanya hanggang sa muli kong ibinagsak ang aking likuran dito sa may ka

