4. The Call

1310 Words
Stephanie Marley Molina's POV Tatlong araw na ang nakalipas ng mag-trending si Drake sa social media, and so far hindi naman siya nagparamdam kaya naisip ko baka hindi naman talaga ako ang may sala, baka nagkataon lang nakapagsalita ako ng ganu'n tapos sadyang may ibang nakakalam na talagang bakla pala siya. Kakahinayang lang kung totoo man na binabae talaga siya. Napatigil naman ako sa pagsusuklay ng aking buhok, at makikita sa salamin ang pagkunot ng aking noo na tila ba hindi sang-ayon sa sinasabi ng isipan ko. Bakit ba ko nanghihinayang kung sakaling bakla siya eh wala naman ako'ng pakialam sa kanya. Ipinagpatuloy ko ang pagsusuklay ng aking mahabang buhok habang nakaharap ako dito sa salamin na nakalagay sa pinto ng cabinet sa loob ng aking kwarto. Inipon ko na ang aking buhok at tsaka inilagay ang aking itim na panali. Hinigpitan ko pa ang pagkakalagay ng para hindi basta basta matatanggal. Hindi ko naman maiwasan na hindi na naman siya maalala, eh paano ba naman kasi ang bilis niya kumilos, parang kakatalikod ko lang noong hinila niya ang panali ng buhok ko. Nabawasan na naman tuloy ang panali ko, buti na lang mura lang 'to sa palengke kaya madaling palitan, at hindi basta basta mauubos pero ang pasensiya ko kay Drake ubos na, at sana hindi na kami muling magkita pa. Umalis na ako sa harap ng salamin, at lumakad ng konti, at ipinatong ko sa ibabaw ng 5 layer na plastic drawer ang suklay na hawak ko. Nakapwesto ito sa tabi lang din ng cabinet kung saan ako nanalamin. Dito kasi nakalagay ang mga simpleng paraphernalia ko sa pag-aayos tulad ng baby powder, cologne, lipstick, hairpolish. Hindi na ko nag-invest para bumili ng kung ano'ng anik anik na nilalagay sa mukha dahil hindi ko naman kailangan, at tsaka isa pa namamahalan ako. Tama na ang pulbos at lipstick, basta presentable tignan, Bumalik ako sa may harap ng salamin para ma-check kung tama lang ba ang puti ng mukha ko, at kung hindi ba masyadong makapal ang pulang lipstick na nilagay ko. Nang masigurong ayos ang itsura ko ay kinuha ko ang sling bag ko na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto ko, at inilagay doon ang aking wallet, at lalabas ako. Kailangan ko na mag-grocery at wala na kong makain. Ilang araw na kong nagkulong dito sa bahay, at naisip ko hindi ako dapat ma-guilty pa sa kung ano mang kinakaharap na issue ni Drake, isipin ko na lang karma niya 'yon sa mga pang-aapi na ginagawa niya sa akin. Nakarating din naman ako agad sa grocery store at kasalukuyan ko ng bitbit ang pulang basket at pupunta ako sa section kung saan nakalagay ang kape at paubos na 'yung stock ko. Naglakad ako sa loob hanggang sa makarating ako sa stall kung saan nakalagay ang mga iba't-ibang brands ng kape, at agad ko naman nakita ang brand na lagi kong binibili kaya agad ako'ng naglakad patungo doon pero napatigil ako ng may tumawag sa pangalan ko. "Stephanie!" Nilingon ko ang boses ng lalaking nagsalita, at nakita ko na naglalakad na siya palapit sa akin kaya tuluyan ko ng inikot ang aking katawan para mapaharap sa kanya hanggang sa makalapit siya. "Sabi na ikaw yan eh, kamusta? Grabe it's been a long time." Nakangiti sabi sa akin ni Colby. Classmate ko siya ng highschool, at tama siya ang tagal na nga naming hindi nagkita ng personal pero friends kami sa social media. "Oo nga eh, tagal natin hindi nagkita, 'di ba nasa Manila ka na nakatira." Nakangiti kong sagot naman sa kanya. "Yeah, pero ngayon dito na muna kami mag-stay kasi may sakit 'yung lola ko, buti na nga lang work from home ako kaya walang problema sa schedule, how about you? kamusta ang mga gigs?" "Hay naku, wala nga eh mahina, pa-isa isa lang, tulad ngayon wala." Bigla ko naman naalala 'yung alok ni Drake na tinanggihan ko. Kung tutuusin hindi naman ako lugi sa job offer niya tapos hatid sundo pa ko sa bahay kaso nga lang ang problema ang sama ng ugali niya kaya hindi bale na lang. "Naku hindi problema yan, laging hiring 'yung company namin tapos ang ganda pa ng benefits, magsabi ka lang sa akin at ako na ang bahala sa'yo!" "Kahit ngayon na!" Biro ko naman sa kanya. "Aba, oo naman, basta padalhan mo ko ng resume mo." Nakangiting sabi niya. "Hindi joke lang, ikaw naman, sa ngayon okay pa naman, nakakaraos pa. Hayaan mo sa susunod sasabihan kita kung talagang kailangan ko na mag-change of career." "Pwede rin naman wife career." Aniya sabay tawa, at natawa din naman ako biro niya. "Loko ka talaga!" Aniko sabay palo ng bahagya sa braso niya. Nag-usap pa kami at sinabi niya na madali lang naman daw ang work, at parang pakiramdam ko ay nirerecruite niya talaga ako, hanggang sa napunta na ang usapan sa mga iba pa namin classmate and on the spot ay gumawa siya Group Chat at gusto niya mag-reunion kami. "Agad-agad talaga Colby?" "Oo para hindi maging drawing, kailangan gawin na agad." Excited na sabi niya. "Walang problema sa schedule basta unahan na kita ah, wala ako'ng pang-ambag, wala ako'ng budget para diyan." Inunahan ko na siya, at mahirap ng mapasubo lalo pa't hindi naman ako mapera tulad niya. "Oo na, pero sagot mo na ang venue, du'n tayo sa inyo pumuwesto dahil hindi pwede sa amin at maraming tao, basta sagot ko na alak at pagkain." Pagyayabang pa niya. "Deal." Sagot ko naman sa kanya. Hindi na rin masama ang suggestion niya dahil wala naman ako'ng ilalabas na pera, tsaka tama siya atleast kapag sa bahay ko gaganapin ay wala kaming maiistorbo dahil solo living lang naman ako. Ilang usap pa ay nagpaalam na din siya dahil kasama pala niya ang nanay niya, sira-ulo din talaga, chumika pa sa akin eh may kasama naman pala pero bago siya umalis ay kinuha niya ang cellphone number ko para mas mabilis daw niya ako makontak kung sakali at ibinigay ko naman. Ipinagpatuloy ko naman ang aking pamimili, at umuwi na din ako agad sa bahay pagkatapos. Kakaupo ko lang sa may sofa dito sa may sala para magpahinga dahil kakatapos ko lang i-ayos ang mga pinamili ko ng biglang mag-ring ang aking cellphone. Unknown number ang nabasa kong nakalagay sa screen. Agad ko naman naisip si Colby na baka siya ang natawag kaya inaccept ko na ang call, at dinala ang cellphone sa tapat ng aking tenga. "Hello." "Hello Steph, this is Drake, we need to talk. Pumunta ka sa bahay ngayon din." Ma-awtorisadong sabi niya. Bigla naman ako'ng napatayo mula sa aking pagkakaupo ng marinig ko ang boses niya, at kasabay din noon ang biglang paglakas ng kabog sa dibdib ko. Agad ako'ng nagsisi kung bakit ko ba sinagot ang tawag. Akala ko talaga si Colby dahil kinuha niya ang cellphone number ko kanina. Hindi ko naman malaman kung ano'ng isasagot sa kanya kaya nanatiling tikom ang bibig ko. "I know you can hear me, naririnig ko ang paghinga mo, at wala kang karapatan tumanggi, may atraso ka sa akin kaya pupunta ka sa ayaw at gusto mo." Aniya sabay nawala ang tawag. Inilayo ko na mula sa aking tenga ang cellphone, at napatitig ako doon. Nakaramdam ako ng pagkainis dahil grabe siya kung makapag-utos, as in ngayon niya ko papapuntahin kung kailan gabi na. "Kung makautos kala mo kung sino?" Inis kong sabi habang nakakunot ang aking noo. Pero sa isang sulok ng aking isipan ay sinasabi na... Siya lang naman ang Mayor ng bayan na ito at talagang may kasalanan ka sa kanya, pwedeng kang makulong kung hindi mo susundin ang kagustuhan niya. Nakaramdam ako ng matinding pagkatakot. Simula pa noon ay matindi na ang galit sa akin ni Drake kahit wala pa naman ako'ng ginagawa sa kanya, lalo pa kaya ngayon. Ano ng gagawin ko ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD