Kanina pa sakay si Diego sa motor n'ya habang iniintay na dumating si Klary may 30 minutes na s'yang nag iintay pero 'di pa rin ito dumadating. Gusto naman n'ya itong tawagan kaso na hihiya s'ya baka isipin naman nito masyado s'yang atat. Nag text naman na s'ya para sabihin na nadun na s'ya meeting place nila pero 'di ito nag reply. Nag-aalala tuloy s'ya kung darating pa ba ito o hindi na. Hanggang ang 30 minutes ay umabot na ng 1-hour napabuga na lang ng hangin. Na pudpod na yata ang suwelas ng sapatos n'ya sa paroon at parito sa kalalakad pero ni anino ni Klary hindi n'ya nakita. Napabuga ng hangin na inabot ni Diego ang helmet n'yang nakapatong sa upuan ng motor n'ya. Isusuot na sana n'ya iyon ng makita si Klary na mula sa 'di kalayuan na bumaba sa isang kotse saka tumatakbo patungo sa

