'Di maiwasan ni Klary ang mapangiti ng pag bukas n'ya ng pinto ng kuwarto n'ya nakita n'ya sa sahig ang bulaklak at chocolate. Ito ang pangalawang araw ng panliligaw mode ni Diego, talagang tinotoo ni Diego ang pangakong panliligaw nito. Hindi na rin nito ipinilit na mag sama sila sa isang kuwarto. Pakiramdam tuloy n'ya bumalik s'ya sa pagiging dalaga kaya 'di n'ya napigilan ang kiligin. Alam n'ya isa s'yang living time bomb sa ina ni Diego pero hanggat kaya n'ya hindi na n'ya gusto pang sirain ang pamilya nila. Iniisip na lang n'ya na noon pa naman iyon nangyari wala na rin naman sigurong namamagitan sa papa n'ya at sa ina ni Diego. HIndi naman siguro ganun ka imoral ang ina ni Diego. Kahit papano naman kilala n'ya ang tita lorin n'ya. Inabot n'ya ang bulaklak at chocolate saka muling p

