Rainbow "Sungit! Ikaw ba ang buntis?" inis kong tanong at padabog na umusod pabalik sa aking puwesto. Nanahimik na lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. I tried to absorb what just happened. Gustuhin ko man na tanungin sa kaniya kung saan ba kami pupunta lalo pa't sinabi niyang wala na siyang gana ay hindi ko na ginawa. Nanahimik na lang ako. Iintayin ko naang kapag ready na siya makipag-usap. Muli akong napabaling kay Maximillan at pinagmasdan siya. Baka kasi nagjojoke lang siya. Baka charot lang na nagtatampo siya. Pero kung totoo yung pagtatampo niya, I pray bigyan ako ng mahabaging langit ng mahabang pasensya para hindi ko siya patulan. Nakngtoknene naman! Naka-focus na kaya ako sa Torty time, tapos ito? Wala na siyang samud? Kaka-frustrate. Huminga ako ng malalim at nap

