Maximillan "Pare, pasensya na pero hindi ako nagpakuha ng car rental service." Sabi ko sa lalaking may hawak ng puting papel na may pangalan ko. Naka-military haircut siya at halatang sunog sa araw. Mukhang matikas ang kaniyang pangagatawan, at seryoso ang mukha. Sa tingin pa lang, nakaramdam na ako na dapat mag-ingat ako ng mga galaw ko sa kaniya, at hindi siya nakukuha sa pambobola o pakiusap. "Pero, babayaran ko na lang yung service niyo..." sabi ko at huhugutin na sana ang wallet sa bulsa ko, nang lapitan ako ng lalaki at yumakap sa akin. Itutulak ko sana siya ngunit agad niya akong binalaan. "Wag kang magpahalata—" anito at inakbayan ako. Naramdaman ko ang isang bagay na nakatutok sa akin, at batid kong maliit na baril iyon. "Wag ka ng pumalag. Sumama ka sa'ken." Mahina niyang s

