Rainbow
"Ang alin ang alam namin Rain? Na matagal ka ng pusong lalake?" balik tanong ni Jackie. "Matagal na. Kaya nakakagulat na may chikinini ka dyan! Ano bang nangyayari sa’yo? May problema ka ba?”
Oo! Ang problema ko mahal ko si Shayla! Huhu!
Napalunok ako at mabilis na tumalikod upang itago ang expression ng mukha ko.
I felt guilty about loving and lusting over Shayla. But heaven knows pinilit kong mawala iyon. In fact, ni hindi nga ako nagsasama kay Shayla. I hung around more with Jackie and Pinkie. Si Jackie parati kong pinagda-drive pag mago-grocery at si Pinkie naman ay parati kong kasama mag- hang out sa kubo malapit sa parking noong college habang nagyoyosi. Inaabangan kasi ni Pinkie ang walang mabuting gagawin sa buhay na si Jeremy. He was no good for her and we tried to stop her from pursuing him. Pero dahil sa ‘love is blind’, Pinkie overlooked all the warning signs to her that Jeremy spelled trouble.
Napabuntong hininga ako dahil pinoproblema ko din ang kaibigan kong iyon. Naging mas tahimik na siya simula nang maghiwalay sila ni Jeremy at paglaruan siya nito. Hindi na siya katulad ng dati na pala-kaibigan. She became cold and distant to all of us. Every time we would spend time together, her thoughts were somewhere else not until yesterday—when she met her this mystery chivalrous guy who was always present when she was in danger—si Marcus.
***
Naiisip ko ang pangyayari sa bilyaran kagabi habang naglalakad ako papunta ng shower upang maligo. Naalala ko na sa tuwing patago kong sinusulyapan sina Shayla at Gerard ay nahuhuli ko din na pinapanood ako ni Maximillan at sinusundan ang direksyon ng aking tinitingnan. I guess he was suspecting something, but he just couldn't figure it out, kaya sumunod pa ito sa akin hanggang sa beach. He must have gotten surprised that I was getting myself drunk, not because of Gerard, but because of Shayla.
Muli akong napabaling sa direksyon ni Jackie na nakisabay maligo sa akin. Just looking at Jackie naked had no appeal to me. It was because I treated her like my sister. But with Shayla, man, perverted thoughts would come swirling in my head.
I tried to stop thinking about Shayla. I wanted to ask Jackie instead if just like Maximillan, did all of my best friends knew about my feelings for Shayla? But I had no balls to ask them straight.
Balls? Eh wala ka naman talaga nun, Rain! At nakakita ka na ng balls, so confirmed na it is nowhere near yours. Thanks to the anatomy of Maximillan…
Naputol ang pag-iisip ko ng tungkol sa anatomy ni Maximillan dahil inuusisa ako ni Jackie kung anong namagitan sa amin ni Maximillan.
“Owner ng balls… este ano… wala! Nag-inuman lang… at kumain ng hain ng may Kapal… ganun!”
Ano bang kabalbalan ang pinagsasabi ko? Haist!
" Ganun? Blessing?" she teased.
“Ewan ko sa’yo, Jackielyn…” nagmabilis na lang ako ng pagligo at umalis sa shower cubicle. Lumakad ako papunta sa sabitan ng tuwalya malapit sa salamin, at iniba ang topic.
“Luto ka naman ng breakfast, be." Lambing ko sa kaniya habang nagbibihis. "Kumukulo na ang tiyan ko."
"Ano bang pinaglilihihan mo?" she teased.
"Sira ulo ko!" Ginulo ko ang buhok niya.
Siya naman ay tawa ng tawa at sinamahan ko na siyang bumaba sa kusina. Naroon na ang mga hired helper nina Gerard na inarrange pa ng Mommy nito para sa kanila habang nagbabakasyon dito sa US. They were offering us a menu for the day, and they were all Southern style cuisines. Pero dahil tapsilog ang hiniling ko kay Jackie, siya na ang nag-take over sa kitchen.
Ako naman ay muli nang umakyat ng hagdan para tumungo sana sa kuwarto. Mabagal ang aking pag-akyat, nang mapansin kong naglalabasan na ang mga kapatid ni Maximillan mula sa kuwarto ng mga ito.
" Good morning!" Bati ni Malik na nangunguna sa pagbaba sa kuwarto. “Nangangamoy masarap na breakfast. Nasa kitchen na ba si Jackie?”
“Yeah,” tipid kong sagot sa kakambal ni Maximillan. Kung ikukumpara ko si Maximillan at Malik, mas mukhang mabait si Malik. Mala-anghel ang mukha nito na parang kayang makatunaw ng panty--- ng mga babae. Si Maximillan, mukhang maangas, mapanuri, mala-Alpha male version ni Malik, may awra ng command at tila hindi madaling maisahan o maloko. Higit sa lahat, kinaya ni Maximillan i-manage ang toyo ng utak ko.
Kasunod naman ni Malik si Marcus.
Marcus, I think, is the kindest amongst the Pontes brothers. But I also think he’s not one to mess with. This guy is like a gentle sinewy man that is full of control. Perhaps, it is because of the physical mastery and trainings I heard that he has been doing.
May atraso nga ako sa kaniya eh, dahil pina-detain ko siya dati sa paga-akalang siya ang gumawa ng masama kay Pinkie. I have apologized to him when I had an opportunity to be alone with him, and he said he understood. He even told me that it was all in the past and to forget it. He even complimented me that if I was that protective of Pinkie, he was sure I would do the same for Shayla, who was his cousin.
"Wanna jog with us?" nakangiti bati ni Marcus na nakasunod sa kakambal ni Maximillan.
"No, thanks." Iling ko lang, habang nakasunod naman dito si Matteo na kakambal ni Marcus. Tahimik lang itong tumango sa akin. Iyon na ang paraan niya ng pagbati. Mas suplado pa ito kay Maximillan, kung tutuusin, pero pansin ko na pag dating kay Tanya ay parang nangungusap ang mga mat anito. Feeling ko nga ay interesado ito kay Tanya.
Pinagmasdan ko silang tatlo habang nagde-descend sila sa hagdan. They were like demi-gods from another universe like Thor. They came here on a mission and that was to rub it on my face that I-- I'm a man trapped in a woman's body. And to add salt to injury, I am abundant with two breasts and a curvaceous body that I've been hiding under big hip-hop shirts!
I muttered a curse and remembered how Maximillan reminded me last night, as he was doing me and murmured that I was his Betty Boop and Jessica Rabbit that came to life.
Geez! Those characters wer long gone. What was he watching as a kid in Brazil?
But, anyway, mas importanteng pag-isipan ko ay kung gumamit ba ng proteksyon si Maximillan kagabi o hindi.
"Nasaan na nga ba yon?" kaswal kong sambit, pero deep inside excited akong makita siya.
Potek! Landi lang, Rain. ‘Di bagay! Another part of me answered defensively. Tse! Sabi niya Betty Boop and Jessica Rabbit kaya ako, so it means I’m gorgeous! That is if I’m a girl.
Napansin ko na tatlong magkakapatid lamang ang lumabas sa kuwarto. Napagdesisyunan kong palihim na sumilip sa kanilang kuwarto. Pagpasok ko sa loob, I was impressed that their room was spick and span. And Maximillan was there sleeping. My heart skipped a beat.
F0ck! Kinikilig ako! Di tama ‘to. Haist! I-enjoy mo na lang, Rain, whilst it lasts.
Dahan-dahan akong lumapit sa kama ni Maximillan. Naka- t shirt at shorts siya habang nakadapang matulog. Mukhang naligo siya bago humiga ng kama dahil mukha siyang mabango.
Amoyin ko rin kaya? Hihi! Bakit hindi na lang pala kami nagsabay maligo? Chos!
Lumakad ako sa gilid ng kama at bahagya siyang inalog. Sinubukan ko siyang gisingin. "Tol!" Alog ko sa likod niya.
Bahagya siyang kumilos at nagmulat ng mata saka tumingin sa'ken. I thought he would be mad, but he smiled at me. Inabot niya ang kamay ko at hinila ako. Napaluhod ako sa kama niya at siya naman ay umusod para bigyan ako ng espasyo tapos natulog ulit.
"Tol, gising!" Sabi ko at inalog siya ulit.
" Tor, patulugin mo muna ako. Binantayan kita magdamag e...." hikab niya at hinila ako patabi sa kaniya.
I couldn't recognize whether he said 'tol' or 'tart', but whichever he called me were both starting to sit very well with me. It was an endearment that only we share.
I don’t want to assume, but I am very sure we had a term that was exclusive for us. Only us. Kinilig ang puso ko sa thought na iyon. I know something is happening between us and it's becoming strong. So strong that it's breaking my defenses.
Niyapos ako ni Maximillan at dinantayan. "Sleep." Matipid niyang sambit habang mahigpit na nakayakap sa akin. I had a whiff of his breath and the scent of his long hair. Ang bango! Pang-macho! Pota, kinilig ako! ‘No ba’to? Binabae na ba ako? At kung hindi ko pa makumpirma, baka mag-watermelon ang tiyan ko kungdi nagsuot ng kapote ‘tong poging ito!
"Tol, we need to talk.” Bahagya ko siyang inalog. “Did you wear protection when we..." hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil humalik siya sa akin at bahagya pang kinagat ang labi. Hindi naman ako nanlaban. Pakiramdam ko kasi parang nanggigil siya sa akin.
"Don't worry about it. Pag nabuntis kita, pakakasalan kita. Pag ayaw mo, pipikutin kita."
Siniko ko siya. "Tol, lalake ako. Di puwedeng ganun!"
"Oh! Eh di ako ang nanay, ikaw... ikaw ang tatay na nagbubuntis..." he casually said it like there was no issue about gender.
And it hit me. Wala nga siyang insecurity sa gender niya.
"Tulog na muna tayo...."lambing niya habang nasa leeg ko ang mukha niya at magka-akap kaming dalawa. "Kamot mo likod ko ‘tol..." hiling pa niya na parang napakakumportable sa kanyang maglambing sa akin.
"Ayoko nga!" Tanggi ko.
"Dali na, tort." Pilit niyang inaangat ang kamay ko at nilalagay sa kaniyang likod.
"Anong tort?"
"Pinaghalong tol at tart...."
Napatawa ako. So tama nga ang narinig ko kanina na tawag niya sa akin. ‘Tort’.
At pinagbigyan ko na siya. Kinamutan ko siya ng likod. Siya naman ay parang puppy na gustong gusto ang pagkamot ko sa likod niya. Napaisip ako kung sa akin lang siya ganito.
Or maybe sa lahat ng mga nagiging syota niya?
Umiral na naman ang sakit kong pagkaselosa.
"Ginagawa mo ba yan sa iba?" tanong ko.
"Ang alin?"
"Yung magpapakamot ka ng ganito!" I felt possessive at hinampas ko siya sa tagiliran.
"I wished!"
"Anong ‘I wished’? You mean may gusto ka pang iba na gumawa ng ganito sayo?" I know it was immature and utterly childish but scratching back has now become a major issue.
"If my mom were alive, I would ask her to scratch my back. But she left us early and I didnt have the chance na makapaglambing ng ganito pampahele para masarap ang tulog. Ang sarap siguro magpahele..."
Naka-relate ako sa kaniya. Masarap nga siguro maglambing sa sarili mong ina. Itinuloy ko ang pagkamot ng likod niya habang nakadantay sa akin at kinantahan ko pa siya ng lullaby.
At habang kinakantahan ko siya ay pati rin ako ay nakatulog.