Rainbow During the proposal of Gerard to Shayla, hindi na ako makatiis na manood sa kanila kaya umalis ako na hindi man lang nagpapaalam kahit kanino. Pero si Maximillan, sinundan pala ako. "Where are you going?" taka niyang tanong sa akin. "Where's the key to your car?" tanong ko sa kaniya. Tumikhim siya pero ibinigay din ang susi sa rented na kotse niya. I unlocked it, at siya naman ay umupo sa passenger's seat. "Saan ka ba pupunta?" tanong niya, pero hindi pa din ako tumugon. All I wanted to do was drive. Pinaalalahanan niya ako sa speed limit sa lugar na iyon. Nakinig naman ako pero gusto ko lang magmaneho, para maglabas ng sama ng loob, at pag-iyak. "Tort," hinawakan niya ang kamay ko. "Just... don't touch me now..." pakiusap ko habang nagmamaneho. Bumuntong hininga siya pero

