KABANATA 2 - Rude Guest

1624 Words
FLARRA’S POINT OF VIEW Kanina pa kami pinapahanda ni Daddy dahil darating daw ang mga pinakamahalagang tao sa buhay niya. Yes, sounds bitter, but it’s the truth. Hindi kami 'yon. Never kaming naging priority ng sarili naming ama. Ang tinutukoy niya ay ang business partner niya at ang boss ng mga boss niya. Honestly? Wala talaga akong balak harapin ang mga taong 'yan. I know their world too well. Alam ko kung gaano kadumi ang mga kamay nila. May mga business silang legal, sure. Pero ang totoo? Karamihan ay illegal. Nagpapatayo sila ng mga clubs para gawing front, may mga private gambling dens, at kung ano-ano pang ipinagbabawal na gamot ang ibinebenta nila. I’m 22, and I’m just a few months away from finishing my Architecture degree. Next year, ga-graduate na ako at talagang lalayas na ako sa impyernong mansyon na 'to. NBSB ako, hindi dahil sa pangit ako, sobrang ganda ko kaya, pero siguro dahil baka allergic ako sa mga lalaki, o sadyang wala lang talaga sa isip ko ang commitment. Wala akong ibang pangarap kundi ang mamuhay nang mag-isa. I have everything—money, clothes, status—pero ang tanging hiling ko lang ay ang katahimikan at kalayaan. Knock. Knock. Napabaling ang tingin ko sa pinto nang bumukas ito. Iniluwal niyon si Breiya, ang kaisa-isa kong kapatid. She’s only 16, at malapit na siyang umalis ng bansa kasama si Mommy. Nginitian ko siya. She looked so innocent in her doll-like dress. Bagay na bagay sa kaniya ang naka-pigtails na buhok na may mga cute na red ribbons. "Ate, Dad said we need to hurry up. Malapit na daw dumating yung mga guests" malambing na sabi niya. Kumunot ang noo ko. "Pinapababa ka rin ba ni Daddy?" Ayaw ko siyang madamay sa mga usapan ng matatanda. She was too young and too pure for their world. "Yes—" "No. Mag-stay ka lang sa kuwarto mo, Breiya" putol ko sa sasabihin niya. Napa-pout siya, halatang naguguluhan. "But why, Ate? Baka magalit si Daddy. I want to go down with you." Napabuntong-hininga na lang ako. I knew that look. Kapag pinilit ko siyang magtago, baka lalo lang siyang mapag-initan ni Daddy. Wala na akong nagawa kundi hayaan siyang sumama sa akin. Nagsuot ako ng isang fitted red dress na gawa sa mamahaling tela. Custom-made ito para talaga sa body shape ko. I let my long hair flow, cinurl ko lang nang kaunti ang laylayan, at nag-suot ng black heels. simple pero palaban ang dating. Nakakahiya naman kasi sa mga bisita niya kapag hindi kami nag-ayos. Pagbaba namin, wala pa si Daddy. Mukhang ma l-late siya dahil nasa office kaya tinawagan niya si Breiya para kami muna ang sumalubong sa mga bisita. Tumulong ako sa mga maid na mag-ayos ng table at terrace. Everything had to be perfect dahil special daw ang darating. Habang inaayos ko ang mga pillows sa sofa, biglang bumukas ang napakalaking main door namin. Isang matangkad na lalaki ang pumasok. He was wearing a crisp white long-sleeved shirt na halatang designer brand. May gintong necklace siya at matching gold watch. Ang mga butones ng polo niya ay bukas hanggang sa dibdib, at ang sleeves ay nakatupi hanggang siko, just enough para makita ang mga tattoo niya sa braso. Nagkatitigan kaming dalawa. His eyes were a piercing gray with hints of green. May kaunting balbas siya na nagpadagdag sa pagka guwapo niya. He looked at me with zero emotion—cold and dangerously calm. Nang bumalik ako sa ulirat, pilit akong lumapit para batiin siya. "Ah, this way, Sir—" "Who are you?" putol niya sa sasabihin ko. His voice was so deep and incredibly cold. Parang huminto ang t***k ng puso ko sa kaba. "I’m Flarra Maiiah Andrande, the older daughter of Yves Andrande" pagpapakilala ko. I tried my best na huwag ipahalatang nanginginig ang boses ko. Imbes na sumagot, nilagpasan niya lang ako. Umupo siya sa sofa namin na parang siya ang may-ari ng bahay. He looked exhausted pero hindi nabawasan ang pagka-intimidating niya. Mabilis kong sinenyasan ang mga maid na kumuha ng wine, pero natigilan sila nang muling magsalita ang lalaki. "I want her to serve the wine." Nakaturo siya sa akin. Napakuyom ang kamay ko sa inis. Ang kapal din ng mukha nito, ah? Kinuha ko ang bote ng wine at lumapit sa harap niya. Habang nagsasalin ako, ramdam ko ang titig niya. It was heavy and lingering. Mula sa bewang ko hanggang sa dibdib ay tinitigan niya ako bago tumingin sa mga mata ko. Napalunok ako. Hindi lang ito bastos, nakakatakot pa. Binilisan ko ang pagsasalin at lumayo agad, pero ang tingin niya, nakasunod pa rin. Pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ako sa isip niya gamit lang ang mga titig na 'yon. Napansin niya si Breiya sa tabi ko. Mabilis kong hinablot ang kamay ng kapatid ko at itinago siya sa likuran ko. Isang nakakalokong ngisi naman ang isinagot ng lalaki. Maya-maya pa, bumukas ulit ang pinto. Pumasok na si Daddy kasama ang iba pang business partners na naka-suit. Pero lahat sila, mukhang mga tauhan lang kumpara sa lalaking nasa harap ko ngayon. Ibang-iba talaga ang kilos nito kumpara sa mga palaging kasama ni Daddy. "Mr. Claveria! You're here" bati ni Daddy sabay yuko—isang bagay na hindi ko akalaing gagawin niya sa ibang tao. Sumunod din ang iba pang kasama ni Daddy at yumuko sa kaniya. "Tsk. Ano ba siya, santo?" bulong ko sa sarili ko. Hindi man lang tumayo ang lalaki. Nanatili siyang nakaupo habang umiinom ng wine. He just gave a small nod para paupuin sila. "Mr. Andrande... you never mentioned that your eldest daughter is very beautiful" sabi ng lalaki habang malagkit na nakatingin sa akin. Pinandilatan ko lang siya. "Ah, yes. Come here, Flarra, Breiya." utos ni Daddy. "This is my younger daughter, Breiya, and the oldest, Flarra." pagpapakilala ni Daddy sa amin. Yumuko lang kami ni Breiya bilang paggalang, kahit na labag sa loob ko. "Do you want to sit here with me, Miss Flarra?" tanong ng lalaki. Halos mapatalon ako sa gulat. The nerve! Sumisigaw ang kalooban ko sa galit pero kailangang magtimpi. "Oh, let me introduce myself. My name is Aqua Moore Claveria. I am your father's boss, and the boss of everyone here" sabi niya sabay lahad ng kamay sa ere. Pilit akong ngumiti kahit hindi na ako komportable. Tumingin ako kay Breiya. "Ahm, Breiya, you need to rest now. Gabi na" utos ko sa kapatid ko. Tumango naman siya at mabilis na umakyat sa itaas. Nang wala na si Breiya, napilitan akong lumapit at tumabi sa lalaking nagngangalang Aqua, pero tiniyak kong may distansya pa rin kami. Ano 'to? Gagawin ba akong p*kp*k ni Daddy para sa kabutihan ng business niya? Tiningnan ko si Daddy, nagbabakasaling paalisin niya na rin ako, pero dedma lang siya. Inumpisahan nila ang meeting habang nandoon ako. Nag-uusap sila tungkol sa mga transaksyong hindi ko man lang malunok. Habang abala ang lahat sa pag-uusap tungkol sa negosyo at pera, biglang gumalaw si Aqua. Inilapit niya ang upo niya sa akin—so close na nararamdaman ko na ang init na nanggagaling sa katawan niya. Dahil sa ingay nina Daddy at ng iba pang partners, kaming dalawa lang ang nakakarinig sa susunod niyang sasabihin. "You know, Flarra..." simula niya. Ang boses niya ay mahina pero nakakatakot. "That red dress looks so good on you. It fits your body perfectly." Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko, hindi dahil kinikilig ako, kundi dahil sa sobrang inis at kaba. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya, pero lalo lang siyang lumapit hanggang sa maamoy ko ang kaniyang mamahaling pabango na humahalo sa amoy ng wine. "Don't look at me like that" bulong niya habang nakangisi nang nakakaloko. "Those eyes... it looks like you want to scream at me, or maybe, you want me to do something else to you." "Shut up." mahinang bulyaw ko sa kaniya. "You're being rude." He chuckled, 'yung tawang nakaka-asar na ewan. "Rude? I haven't even started yet. If I really want to be rude, I would have kissed you right here, in front of your father." Napasinghap ako. My heart was beating so fast. Tumingin ako kay Daddy, pero abala ito sa pakikipag-tawanan sa ibang boss ng mga negosyante. Walang nakakapansin na binabastos na ako ng kaniyang pinaka-importanteng bisita. "Don't even try" banta ko sa kaniya, pilit na pinapatatag ang boses ko. "Hindi ako katulad ng ibang babae na nakilala mo." Hinawakan niya ang isang hibla ng buhok ko at nilaro-laro ito sa kaniyang daliri. His touch was light, but it felt like fire on my skin. "I know. That's why... maybe I like you." sabi niya habang tinititigan ang mga mata ko. "You act tough, but I can see the truth. You're shaking, Flarra. Are you scared of me... or do you like this?" "You're crazy." sagot ko habang pilit na binabawi ang buhok ko. "Am I?" lalo siyang lumapit, halos magdikit na ang labi niya sa tenga ko. "Because your heart is beating so fast. I like the chase, Flarra. And trust me, once I want something, I always get it." Gusto ko siyang sampalin pero alam kong delikado. Nanatili akong tahimik, pero ang mga sinabi niya ay parang lason na paulit-ulit sa isip ko. Pakiramdam ko ay may binabalak siya pero hindi ko makapa kung ano iyon. "Tonight is just the beginning" huling hirit niya bago siya lumayo nang bahagya at muling uminom ng wine, na tila ba wala siyang sinabing kahit anong nakakabastos. Humarap siya ulit kay Daddy na parang isang matinong negosyante, habang ako ay naiwang tulala at nanginginig. Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang gabing ito na kasama ang lalaking ito sa iisang puwesto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD