ASH'S POV DAMN! F*cking sh*t! Hindi dapat nandito ang mga dragon na ito. Dapat nandun ang mga ito sa Dragon Land. Saka bakit naman pupunta dito ang mga dragon at magwawala ng walang dahilan?! Mabilis na naghanda ang lahat para labanan ang mga dragon at yung iba naman na di kayang lumaban ay pinatakas na at dinala sa isang ligtas na lugar ng mga professors. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang magbuga ng apoy ang ibang mga dragon at sinunog ang mga building. s**t! Pagnagpatuloy to siguradong magiging abo ang buong academy! Mabilis kong binuka ang palad ko at lumabas ang apoy ko. "Wala na akong pakialam kung bakit kayo nandito pero hindi ko hahayaan na wasakin niyo ang buong academy. Pasensyahan na lang tayo" sabi ko saka pinalabas ang fire sword ko. Mabilis kong sinugod ang drago

