AKISHA'S POV Naglalakad ako ngayon papunta sa gubat. May kakaiba kasi akong nararamdaman. Kanina pa ito simula ng gumising ako. Parang may hindi magandang mangyayari. Nagulat na lang ako ng may tumamang bala sakin. Ilang beses niya akong binaril. Kung sino man siya gusto niya talaga akong mamatay. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na bumagsak sa dami ng balang tumama sa katawan ko. Bumigat na din ang mga mata ko. Ang huli ko na lang nakita ay isang pares ng takong saka ako tuluyang nawalan ng ulirat. Damn it! LIA'S POV Katatapos lang ng special exam at piling ko naglalakbay parin ang utak ko! Halos sumabog na ang utak ko sa kakaisip ng sagot! Grabe pigang-piga na ang utak ko sa sobrang hirap! Lahat kami halos nakasandal na ang ulo sa mesa namin sa sobrang panghihina! Para kaming

