DUMIRETSO ako sa dorm ko matapos ng mahaba-habang takbuhan na ginawa ko makatakas lang mula kay headmistress. Hingal na hingal pa ako pagkapasok ko sa dorm ko. Nag-impake na ako ng mga dadalhin ko para sa pagpunta namin sa forbidden paradise. Umidlip muna ako saka ako naligo at nag-ayos ng sarili ko. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko saka ako lumabas papunta sa may gubat. Doon kasi sa may gubat kami magkikita-kita nila chloe. Pagkadating ko doon ay nandun na silang lahat kasama si heamistress. "Kahit kailan napakabagal mo talagang kumilos Lilianna Roxell" inis na sabi ni chloe "Sorry naman napasarap ang pagbababad ko sa bath tub eh" sabi ko saka nagpeace sign at awkward na ngumiti. Kasalanan ko bang late pala yung orasan ko. Sumakay na kami sa mga pegasus at pinalipad ng mabilis ang

