ASH'S POV Mabilis kong hinubad ang coat ko at inilagay sa ibabaw ng couch. Tinupi ko ang polo ko. Saka kumuha ng planggana na may maligamgam na tubig saka bimpo. Tinawagan ko sila lia at chloe para sila ang magpalit ng damit kay akisha. Alangan namang ako diba? Baka mamaya makagawa pa ako ng mas malaking kasalanan at siguradong di niya na talaga ako mapapatawad pagnagkataon. Pagkatapos nilang palitan ng damit si Akisha ay pinaalis ko na sila. Noong una ayaw pa nila dahil gusto daw nilang tumulong alagaan si Akisha kaya sinamaan ko na sila ng tingin kaya umalis sila agad-agad. Pinunasan ko na ng basang bimpo ang katawan niya. Nakita kong bigla siyang niyakap ang sarili niya at nanginig. Inangat ko ang comforter hanggang sa dibdib niya. Kumalma naman agad siya. Nilublob ko ang bimpo sa pl

