LIA'S POV NANDITO ako ngayon sa may isang madilim na sulok at sinusundan si raven. Di ko alam pero parang may kakaiba sa kanya at aalamin ko kung ano yun. Gusto ko ding malaman kung saan ba lagi siya nagpupupunta at madalas siyang nawawala this past few days. Nagulat ako ng bigla siyang mapalingon sa side kung saan ako nagtago kaya mabilis akong nagtago. Nakalimutan ko malakas nga pala ang pakiramdam niya. Narinig ko ang takong niya palayo ibig sabihin nagsimula na ulit siyang maglakad. Kaya lumabas ako sa pinagtataguan ko at nagsimula ulit sundan siya pero ilang segundo pa ay napalingon ulit siya sa kinaroroonan ko kaya mabilis akong nagtago. Lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa takot at kaba ng marinig ko ang tunog ng takong niya papalapit sa pwesto ko. Nanlaki ang mga mata ko ng

