THIRD PERSON'S POV NAGHAHANDA na ang lahat para sa gaganaping Deities Festival. Nagkakandarapa naman ang iba sa pag-aabang sa mga Gods and Goddesses. Ilang oras pa ay dumating na ang mga ito. Lahat sila ay nakasakay sa mga nag gagandahan karwahe. Ang iba ay nakangiti ng matamis at kumakaway-kaway pa at yung iba naman ay may seryosong mukha at yung iba naman ay mga nakangisi. May isa namang babae na nakahood ang mariing nagmamatyag sa paligid at pinapanuod ang mga nangyayari. "I should go visit her soon. Kamusta na kaya ang nag-iisa at paborito kong estudyante" sabi ng isang misteryosang babae na tinatago ang mukha sa suot niyang hood. Umupo ang mga gods and goddesses sa kanilang kanya-kanyang upuan. Ilang oras pa ay namatay na ang ilaw hudyat na mag-uumpisa na ang palabas. Maya-maya

