AKISHA'S POV Andito ako ngayon sa isang mahabang mesa at mag-isang kumakain. As usual wala na naman sila daddy at mommy lagi naman eh. Lagi silang nasa trabaho. Minsan nga hinihiling ko na sana normal na lang kaming mamamayan atleast masaya kami at lagi kaming magkasama. Di yung ganito mayaman nga kami lagi na lang silang wala. Pagnandito naman sila sa bahay halos di naman nila ako pinapansin para bang naging invisible na ako. Minsan nga naiisip ko kung naalala paba nilang meron silang anak. Naiinggit nga ako sa tuwing nakikita ko yung ibang bata na masayang kasama ang pamilya nila. Iniisip ko kaya siguro di ako mahal nila mommy at daddy kasi halimaw ako. Yun kasi yung laging sinasabi ng mga kapit bahay namin. Ano bang mali sakin? Bakit walang nagmamahal sakin? Dahil ba kakaiba ako? Per

