ASH'S POV NGAYON na ang grand ball. Kasama ko sila brent dito sa tambayan. Dito namin naisipan na magkita-kita para sabay-sabay na kaming pumunta doon sa hall. Kanina pa kami naghihintay dito pero wala parin yung mga babae. Bakit kaya ang tatagal mag-ayos ng mga babae? Masyado silang nagpapaganda. Pero di rin naman sila napapansin ng mga taong gusto nilang pumansin sa kanila. Nagsasayang lang sila ng effort. Maya-maya ay bumukas ang pinto at bumungad samin si Lia at chloe. Napanganga naman yung dalawang katabi ko. Aaminin ko mas lalong gumanda sa ayos nila. Mabilis na lumapit si Troy kay chloe at hinapit ito sa bewang na kinapula naman ng mukha ni chloe. Teka. Parang may kulang? Tama si akisha di nila kasama. "Nasan si akisha? Bakit di niyo siya kasama?" tanong ko "Sabi ni Raven maun

