chapter 7

522 Words
"Nandiyan na yata siya. Sana maging effective 'to. Sana talaga." "Hi, love." Wika nito nang binuksan ang pintuan. "Oh? Ba't gising ka pa?" tanong nito na nagtataka. "Inaantay kasi kita, eh. Alam mo na nami-mis na rin kita," mapang-akit na wika nito sa kaniyang asawa. "Ano na iyang suot mo? Bakit naka ganiyan ka pa?" kunot-noong tanong naman ni Joey. "Eeemm. . bagay ba?" nakangiting tanong ni Jaylyn. "Sakto lang," tipid na sagot naman ni Joey. "Love, puwede ba--" hindi tapos ang sasabihin nito nang magsalita agad si Joey. "Love, pagod ako." "Sandali lang naman 'to, eh," pagpupumilit ni Jaylyn. "Jaylyn, ano ba? Sabi ng pagod ako, eh! Bakit ba ang kulit mo?" galit na tanong nito. "Love naman, eh. Huwag mo naman akong sigawan! "Eh, paano ang kulit mo naman kasi, eh. Pag sinabi kong pagod ako. Pagod ako!" pabulyaw na saad nito sa kaniyang asawa. "Bakit dati? Hindi ka naman ganyan 'di ba? Ano bang nangyayari sa iyo? Simula nang tinanggihan kita sa pantasya mo. Nagkakaganya ka na! Love naman, asawa mo ako. Baka nakakalimutan mo!" Huwag sana puro na lang init ng katawan ang pairalin mo!" "Isang beses lang naman ang hinihiling ko sa iyo, eh. Hindi mo pa ako mapagbigyan. "Eh, kasi nga hindi ko kaya. Gusto ko sa iyo lang ako. Sa iyo lang iyong katawan ko. Ayokong ipamagay ito sa kung kani-kani lang. Hindi naman ako kaladkaring babae alam mo 'yan! Pangangatwiran naman ni Jaylyn. "Hindi ko naman sinabing kaladkarin aking babae, eh. Wala naman akong sinasabing gano'n!" "Eh, kasi nga. Hindi ko naman talaga kaya ang pinapagawa mo. Pakiramdam ko, hindi mo na tuloy ako mahal." "Jaylyn, mahal kita." "Kung mahal mo ako, bakit ganito? Bakit kaya mo na lang akong ibigay ng basta-basta?" "Hindi naman kita pinapamigay ng basta-basta. Ang gusto ko lang naman matupad ang pantasya ko. Hindi kasi ako mapakali hanggang hindi iyon nangyayari, eh. "Joey, alam mo lahat ng gusto mo ginagawa ko. Pero itong pinapagawa mo hindi ko talaga kayang gawin 'yon, eh. "Oh, sige. Kung hindi mo kaya, hayaan mo na lang na magkaganito tayo. Isang gabi lang naman 'yon, eh. At pagkatapos no'n babalik na tayo sa dati." "Oh, sige. Ayoko na ring ipagpilitan pa sa iyo. Kung ayaw mo. Eh, 'di huwag. Hindi ko kasalanan kung bakit nawawalan ako ng gana sa iyo." "Love, naman eh. Huwag naman ganito." "Bahala ka! Matutulog na ako. Ayoko ng pilitin ka sa bagay na gusto ko." "Joey, please naman, oh. Ayusin natin 'to. Hindi ko talaga kaya ang gusto mo." "Matutulog na ako. Maaga pa ako bukas." "Love, Oy." "Sige na, matulog ka na." "Hay..." Hindi na malaman ni Jaylyn kung ano ang pumapasok sa isipan ng kaniyang asawa. Isang ang alam nito talagang nasasaktan siya sa panlalamig ng kaniyang asawa. At pamimilit sa bagay na ayaw niyang gawin. Napapaisip na rin ito kung talagang mahal ba siya ng kaniyang asawa. Kasi kung talagang mahal siya nito. Hindi siya ibibigay nito ng basta-basta na lang sa kung sino-sinong lalaki. Hindi na talaga alam ni Jaylyn ang kaniyang gagawin lalo na at nagpatuloy pa rin ang panlalamig ni Joey sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD