CHAPTER 2

1020 Words
"Hindi pwede iho! Bawal maghubad sa klase ko!" Sa halip na makinig sa sinabi ng guro, hinubad ni Bryant ang kanyang damit at nakita ng lahat ang magandang hubog ng kanyang katawan. Maging si Professor Lovely ay nagulat ng makita niya ito. Nang matapos ang klase ay agad na lumabas ng classroom si Professor Lovely at kaagad namang naglapitan ang mga babae kay Bryant para magpapicture sa kanya. Hindi siya nagpatinag o tumanggi sa kanilang kahilingan. Pero nang hingin nila ang kanyang cellphone number, itinanggi niya ito. Nakipagkaibigan agad si Bryant kina Justin at Tyler na parehong bad boy sa klase pero aminado silang pareho silang takot kay Professor Lovely. Habang naglalakad silang tatlo palabas ng school, pinag usapan nila si Bryant. "Bryant, naisipan mong mag aral sa Annex University? Hindi mo ba natunugan ang pangalan ni Ma'am Lovely? Halos lahat ng mga nag-eenrol rito nagba-back out kapag naririnig nila ang pangalan ng terror na teacher na 'yan!" tanong ni Tyler. "I came from VVS University and unfortunately, my classmates and professors hate me so much. Napagalitan ako sa klase kaya bago ako ma-expel, I volunteered to transfer to this university," nakangiting sagot ni Bryant. "Bakit proud ka pa, bro? Ano ang mga kalokohan na ginawa mo sa dati mong school?" Nagtatakang tanong ni Tyler. “Marami akong ginawang katangahan sa klase, mga bagay na hindi mo maisip, dinadarag ko ang mga estudyante kung hindi nila ako papayagang kopyahin ang kanilang mga assignments. Nilagyan ko pa ng bubble gum ang mga upuan nila at tumawa habang nagtuturo ang professor ko. At higit sa lahat, nakikipagdebate ako sa aking guro sa klase sa tuwing iniisip kong mali ang itinuturo nila, lalo na sa pulitika!" Sabi ni Bryant na halatang pinagyayabang ang kanyang pagiging bully. Ngumisi si Tyler. "Hindi, hindi uubra ang ugali mo kay Ma'am Lovely. Wala ka pang nakitang mas masahol sa ugali niya!" Lumingon si Bryant sa likod. "Nanjan po pala kayo Ma'am Lovely. Para naman kayong kabote na sumusulpot bigla!" Kabado bente si Tyler at ng lumingon siya ay wala naman si Professor Lovely. "Gago ka Bryant, ang lakas ng trip mo!" "Hahahaha! Kita mo Tyler, ganyan ako mantrip!" "Siya ang pinaka-terrorized na guro sa unibersidad na ito at maraming estudyante ang natatakot na maranasan siya bilang isang propesor. Sa kasamaang palad, sobrang impyerno ang ginawa n'ya sa amin!" seryosong sabi ni Tyler na halatang galit kay Lovely. "Actually, pangit talaga ang ugali ni Professor Lovely pero ang ganda niya, sigurado akong pinagpapantasyahan siya ng mga lalaki araw at gabi," ani Bryant. Patuloy ang pang-iinsulto ni Tyler kay Professor Lovely para magalit din si Bryant sa kanya. "Bro, alam mo bang ang magandang professor na pinupuri mo ay nambasted ng maraming lalaki? Tinanggihan pa nga niya ang mga kapwa niya prof admirers! Maganda siya sa labas pero sa loob, I don't think so!" "Bakit parang galit na galit ka sa kanya, Tyler? I am pretty sure pinahiya ka niya kanina," pagtataka ni Bryant. "Tama ka, sa apat na taon ko sa school, wala akong ibang naging problema maliban sa terror professor na iyon. She made a lot of unnecessary demands on her students. FYI, No one saw her smile. Except siguro kapag nakakuha lang siya ng bagong suweldo." Kinontra ni Bryant ang sinabi ng bago niyang kaibigan. "I think none of you attempt to determine her soft side. For sure she has a funny side as well, I mean tao lang din siya kagaya natin. I'm sure na kahit masamang tao siya sa paningin ng iba. May magandang katangian na nakatago sa loob ng kanyang puso." "Dude, naiintindihan kita dahil first day mo ngayon sa university na ito. Pero hindi magtatagal ay magsisimula ka ng magtanim ng sama ng loob sa taong pinagtatanggol mo. Though, I gotta say na ganyan kami ni Tyler dati, hindi namin pinansin ang mga babala ng iba hanggang kami mismo ang makaranas ng malupit na ugali ni Professor Lovely!" Tumigil si Bryant sa pakikipagtalo kay Tyler matapos mapansin na namumula ang mukha nito sa galit. Mabilis niyang iniba ang topic. "So, i-add mo na lang ako sa mga social media accounts mo, i-search mo na lang si Bryant 26 at lalabas ang pangalan ko!" Inilabas ni Tyler ang kanyang cellphone at hinayaang i-type ni Bryant ang kanyang pangalan para masiguradong tama ang kanyang idinaragdag. "Nga pala, may girlfriend ka na ba, Bryant? Sigurado akong maraming babae ang nahuhumaling sa gwapo mong mukha," tanong ni Tyler dahil sa curiosity. Ibinalik ni Bryant ang cellphone ni Tyler sa kanya at nagreply. "Well, hindi naman ako nagyayabang pero inaamin ko na maraming babae ang lumalapit sa akin. At kahit ganun, sa ex girlfriend ko lang ako bukod tanging na-attract. Chantall ang pangalan niya at masasabi kong mas maganda siya kay Professor Lovely, kung hindi lang siya selosa, kami pa rin siguro hanggang ngayon." "Pero nai-score mo na ba siya?" Tanong ni Tyler. "Kasi kung ako, gagawa ako ng paraan para makipagtalik sa girlfriend ko, lalo na kapag hot siya!" Napatingin si Bryant kay Tyler. "Hindi ako ganoong klase ng lalaki, ayokong mag-take advantage sa isang babae dahil lang sa sobrang akit-akit niya sa akin. Tsaka, 21 years old pa lang ako at marami pa akong plano sa buhay na gusto kong gawin!" Tinawanan siya ni Tyler at Justin. "Mahina kang nilalang, dalawang babae ang natikman ko kahit 21 years old pa lang ako. Wala ni isa sa kanila ang nabuntis," pagmamalaki ni Tyler. Sunod na nagsalita si Justin. "May dalawang karanasan na ako sa s*x kahit hindi halata. Magaling akong magwithdraw kaya walang nakabuntis sa ex-girlfriend ko!" "Try it, Bryant. You know what, s*x is pleasurable for men. Kung hindi mo susubukan ngayon, baka magsisi ka kapag naka-graduate ka. That's the best gift you can ever gift to yourself. Ang sarap kaya kapag chinuc*upa ng babae ang taguro natin!" "Huwag kang mag-alala sa akin, mararanasan ko rin magpach*pa balang araw, at kapag nangyari na, ikukwento ko sa iyo ang aking karanasan," sagot ni Bryant na pinatahimik ang dalawang bagong kaibigan. Tinukso ni Tyler si Bryant. "Don't tell us na si Professor Lovely ang gusto mong ligawan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD