Tulad ng napag-usapan ay naging assistant secretary siya ni Dom. Noong una ay parang atubili pa ang binata ng sabihin iyon ng Mommy niya ngunit agad ding pumayag.
Pasukan na rin kaya nakapag-enrol na rin siya. She will just need approximately 2 years more para tuluyang matapos ang business course dahil may mga nacredit namang subjects sa unang course na kinuha niya. Aside from that ay sinikap niyang mamaximize ang oras niya kaya kahit sabado ay halos puno ang schedule niya. Pag weekdays kasi ay inilaan niya talaga ang buong hapon niya para makapagtrabaho parin ng part time bilang assistant secretary.
Kung tutuusin ay parang halos wala naman siyang ginagawa. Sabagay, assistant lang naman siya ng secretary.
“Mae, pakihatid naman ito kay Sir Dom. Ito yung mga documents na hinihintay niya regarding sa isang branch.” Ani Lena, ang secretary ni Dom. Mabuti nalang at mabait din ito at hindi siya sinusungitan.
“Sige.” Nakangiting wika niya rito at inabot ang folder na naglalaman ng mga dokumento.
Kumatok muna siya ng tatlong beses sa opisina ng binata.
“Come in.”
Hindi niya maiwasang humanga sa buong-buong boses ng binata. His voice is so masculine and clear. Parang ang sarap lang pakinggan pag nagsasalita ito.
Dahan-dahan niyang inikot ang door knob at dahan-dahan din siyang pumasok sa loob.
Hindi siya nakatingin sa binata pero batid niyang nakatingin ito sa kanya.
“Sir, ito raw po yung documents na hinhintay mo.” Aniyang hindi tumitingin dito bago inabot dito ang folder na hawak niya.
“Thank you.” Tipid na sagot nito nang kunin ang iniabot niya.
Yumuko siya rito at akmang tatalikod na nang muli itong magsalita.
“Kumusta naman ang pag-aaral at pagtatrabaho mo rito?” nagulat siya sa tanong nito kaya bigla siyang napatingin dito.
At bakit hindi siya magugulat? Pakiramdam niya dati ay hindi siya nag eexist para dito tapos ngayon kukumustahin pa siya?
Nakasandal na pala ito sa swivel chair at kasalukuyang nilalaro sa mga darili ang ballpen na hawak habang matamang nakatingin sa kanya.
“Ok naman po Sir. Nagpapasalamat po ako sa pamilya niyo sa lahat ng kabutihan niyo sakin.” Sinikap niyang ngumiti rito nang sabihin iyo ngunit umayos lang ito ng upo at binuklat ang folder na ibinigay niya.
“That’s good to hear. Pag may problema ka, I mean, if there’s something bothering you about work or school, don’t hesitate to tell me.” Seryosong wika nito na sa mga documents lang nakatingin.
At bakit? Gusto sana niyang itanong pero pinigilan niya ang sarili.
“Po?” instead, yon lang ang nasabi niya.
“Don’t worry. You’re not my type. Sinabi lang sa akin ni Mommy na icheck ka from time to time.”
Parang gusto niyang maubo sa sinabi nito.
Napakaprangka naman nito. At ni hindi man lang ngumingiti. Tapos sasabihin pa sa kanya ng harap-harapan na di siya nito type?
Gwapo nga, napakasuplado naman. Hindi rin naman niya ito type!
“Ok po.” Mabuti pang di nalang siya magkumento at baka laitin pa siya nito.
Kung tutuusin ay maganda naman talaga siya. Maganda rin ang hubog ng katawan niya. Ngunit simula nong mamatay ang daddy niya ay mas lalong iniwasan niyang mag ayos sa sarili. Hindi siya gumagamit ng make up, kahit lipstick. Ngayon lang siya napipilitang gumamit ng light lipstick and powder dahil sa trabaho. Madalas noon pag nasa bahay lang siya ay hindi na rin siya nagpupulbo. Ang mga sinusuot niya ring damit ay halos laging tshirt at ang shorts ay hindi tataas hanggang tuhod.
She’d rather look ugly para hindi siya masyadong pinapansin ng mga lalaki.
Ang magandang kulot at natural blonde na buhok niya ay palagi niya na ring pinakukulayan ng itim at pinaparebond so that she’ll look common lalo pag itinali iyon ng simple sa likod. She hates being noticed simula noong nakidnap siya noong bata pa siya.
“You may go.” Ani Dom na hindi na siya muling tinapunan ng tingin.
Naging maayos naman ang lahat sa buhay niya ng mga sumunod na buwan. Nang siya na mismo ang secretary ni Dom ay lalo pa niya itong nakilala.
He is currently the CEO of their family’s multi-company businesses, and he’s great at his work.
Isa pala itong womanizer. Kaya rin pala bihira sila nitong magkita sa mansiyon dahil madalas itong mag bar kasama ng mga kaibigan. Kaya pala kahit napag-alaman niyang may mini bar naman sa mansiyon ay mas gusto nitong lumabas para na rin siguro makahanap ng bagong babae. Minsan pa nga ay pumupunta sa opisina nito ang babae nito.
Hindi naman sa nadidiri siya rito ngunit minsan napapaisip siya kung bakit kailangan talagang iba-ibang babae pa? Samantalang siya, ni hindi niya pa nararanasang magkaboyfriend o makipaghalikan sa lalaki.
Tuloy ay pakiramdam niya masyado na siyang napaglilipasan ng panahon at masyado na siyang nagpapalugmok sa nakaraan niya.
Does she need to be braver? She unconsciously nodded her head.
She needs to fight it hindi iyong iiwas lang siya parati.
“Hi Mae, nandiyan ba si Dom?”
Agad siyang napatingala sa nagsalita mula sa pagkakatitig sa computer.
“Sir Fajardo kayo po pala. Yes po, nasa loob po siya.” Nakangiti ito sa kanya kaya ngumiti na rin siya rito.
“Just call me Mike.” Anitong nakangiti and she just forced a smile back.
Mike Fajardo is one of Dom’s closest friends at ilang beses na rin itong bumisita sa opisina ng Sir Dom niya.
“How are you my friend?” agad napatingin si Dominic sa pinto ng opisina niya nang basta nalang pumasok doon ang kaibigang si Mike.
“What brings you here?” he asked instead. Halata niyang napapadalas ang pagbisita nito sa kanya sa opisina niya lately.
“I just want to see you.” Natatawang wika nito.
“Don’t lie to me Mike.” Naiiling na wika niya rito. Just like him, Mike is a businessman kaya alam niyang busy rin ito.
Biglang may kumatok sa pinto kaya pinapasok niya ito.
It was Mae and she brought coffee for him and for Mike.
“Thank you Mae.” Nakangiting pasasalamat ni Mike kay Mae na nginitian lang ng dalaga at tumalikod na at lumabas ng opisina.
But his friend is still looking at the closed door!
At bakit nginingitian nito ang kaibigan niya samantalang siya ay hindi? Ipinilig nalang niya ang ulo sa naisip.
“I think I know now.” Nakangising wika niya sa kaibigan.
“Do you like my secretary?” dugtong na tanong niya rito.
Tumawa lang si Mike sa tanong niya.
“But you can’t have her. She’s different.” Seryosong wika niya sa kaibigan kaya bigla itong napatitig sa kanya.
“You like her?” di makapaniwalang tanong nito sa kanya na napatayo pa.
“Of course not!” matigas na pagtanggi niya habang mariing nakakunot-noo.
It’s true. He doesn’t like her romantically speaking. She’s not his type. Para itong boyish and he even once thought that maybe she’s bisexual.
Ang gusto niya sa babae ay iyong sophisticated and liberated. Ayaw niya sa masyadong simple lalo kung parang lalaki manamit.
“I really don’t know about her, hindi naman nagkikwento sakin sina Mommy kung paano talaga sila nagkakilala. But Mom and Dad warned me to never even think of playing with her. Well, hindi ko rin naman siya type so I just let them and let her stay with us. When it comes to other things, I like her. Tumutulong rin siya sa bahay though my Mom always told her she need not to. But to be my woman, dude, I must be insane to even think about it.” Nakatitig pa siya sa mga mata ni Mike kaya alam niyang alam nitong nagsasabi siya ng totoo kaya tumangu-tango naman ito.
“But what if I try to get close to her, pwede ba? Hindi ba magagalit sina Tita?” Mike asked.
“I know you. Wala kang mabuting intensyon kaya maghanap ka nalang ng iba. Besides, there’s really something different about her.”
Still, hindi niya papayagan ang kaibigan na paglaruan si Mae o ibilang sa mga nagiging babae nito. She doesn’t deserve it.
“Different..about what?” muli na itong umupo.
Paano ba niya sasabihin dito? He cannot even pin point what is really different about her. Oo maganda naman si Mae but she’s really not his type at parang hindi nito gustong magpaganda? Maybe she likes women instead of men. But no, iba parin ang kutob niya.
He’s not attracted to her but she has an unknown effect to him na parang gusto niya itong…protektahan? Maybe because sinabi iyon ng Mom niya.
But every time he look straight in her eyes, there’s really something that he cannot understand to himself.
Sometimes he even think that she looks familiar. But it’s impossible coz he’s sure he never met her before.
Her eyes looked so sad and vulnerable. Yet it has a certain power towards him that he cannot explain. Para bang handa siyang sumunod sa sasabihin nito sa tuwing nakikipagtitigan ito sa kanya. And it was so weird because he’s a powerful bachelor, the most sought after bachelor in the Philippines. Siya ang sinusunod ng mga babae.
“Basta. Don’t try to get close to her.” Sabi nalang niya sa kaibigan.
“Kahit friends lang?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Not even friends Mike.” Matatag na sambit niya saka uminom ng kape.
“Tsk. I’ll ask her first. Baka gusto niya namang makipagkaibigan sa akin.”
Napakibit-balikat nalang siya sa kakulitan nito saka nagsalitang muli.
“Your limitations Mike.” Babala niya rito. He’s sure to himself that he won’t like it if Mike will try to mess with her.
“I know.” Natatawang sagot nito.