Analyn “Gusto ko naman Teng…kapag…pumayag si Kuya,” Tinitigan ako ni Teng. Nag-iwas ako ng tingin. Baka kung anong mabasa nito. Hindi ko matagalan ang tagos-tagusan niyang paninitig sa akin. “Kakausapin ko si kuya Arjhay, mo. Kailan mo gusto para makasama ko na kayo ni Alex,” “Tatawag iyon,” “Puntahan na lang natin, mahal,” sabi nito. Bumuntong-hininga ako. Pinagsalikop ko ang palad namin. Inangat ko iyon at tinitigan ko nagmistula bata ang kamay ko kapag sakop ng palad ni Teng. “May problema ba?” nanantiya tanong ni Teng sa akin. Umiling ako nakangiti sa kaniya. “Hindi ko alam kung saan na ngayon nakatira si Kuya Arjhay, eh,” sagot ko sa kaniya. Kumunot ang noo ni Teng animo nagtataka sa aking sinabi. “Sobrang haba ng pinagdadaanan ko Teng. Highlight ko na lang kung saan ang pi

