Analyn Ate Jo Woi Analyn! Biglaan naman ang resign mo. Nag sabado at linggo lang. Pati una mong sahod. Nag-isip ako kung kailangan pa bang mag-reply. Ngunit sa bandang huli nagpasya akong mag-reply. Humabi na lamang ako ng alibi bahala na kung napaniwala ko ito o hindi. Ako Oo ate. Kasi may kailangan akong asikasuhin. Focus ako roon eh. Iyon lang hindi ko na sinilip ang reply ni Ate Jo. Sa halip naisip kong tawagan si Sir Manuel. Baka magtaka ang dating amo hindi ako pumasok ngayong lunes na lunes. Tumawag ako kay Sir Manuel, upang ipaalam hindi na ako papasok. Ako pa ang nabigla dahil alam na nito kahit raw hindi ako magpaalam sa kaniya. Pinagtawanan pa ako nito dahil nakikita na niya itatali na ako ni Noah. Dahil alam niya ang karakas ni Noah. Inaasahan na raw niya ito at inaanta

