Ilang araw din ang itinagal nilang dalawa ni Luke sa ospital hanggang sa tuluyan silang gumaling. Si Jamie ay paunti-unti nang nawawalan ng mga pasa bagamat hindi pa gaanong naghihilom ang sugat nito sa balikat. Ganon din si Luke na naging mabilis ang recovery sa tulong ng magagaling na doktor na nag asikaso dito dagdagan pa ang pag aalaga nila ni Ashton, idagdag pa ang kakulitan ni Nene na naghahatid sa kanila ng masasayang usapan at halakhakan. Hinihintay na lang nila na irelease sila ng doktor para makauwi na sa kani kanilang mga tahanan. "Oh paano, babalik ka na ba sa trabaho mo kapag nakalabas ka dito?" aniya kay Luke habang ipinagbabalat ito ng mansanas para may makain. "Hindi na. Magreresign na ako pag nakalabas ako dito." "Ha? Bakit?"mulagat na tanong niya. "I already did my pa

