Mabibigat ang mga hakbang na tinungo niya ang kinaroroonan ng opisina ng matandang balo na si Mr. Flores. Ito lamang ang alam niyang makakatulong sa kanya sa mga panahong iyon. Bukod kasi sa mayaman ito ay malaki rin ang pagkagusto nito sa kanya. Sa katunayan noong nasa America pa siya ay inaalok siya nitong maging asawa, ngunit tumanggi siya sa kadahilanang hindi niya ito gusto. Pero nang araw na iyon ay wala na siyang choice kundi ang kumapit sa patalim para sa binabalak niyang pag resbak kay Jamie. "M-marian?! Is that you? Wow! What a surprise! Please take a seat!" tarantang wika ng matanda ng makita siya nito. "Thank you Paul." "So, anong atin? I remember dati sinungitan mo ako, kaya nagulat ako na nandito ka ngayon sa harapan ko. May maitutulong ba ako?" "Let's get married." Walan

